‘Gutom sa kapangyarihan’ pinagmulan ng ouster plot ng mga Duterte laban kay Marcos: Ka Leody

Gutom umano sa kapangyarihan ang pamilya Duterte matapos ang kanilang banta na mapapatalsik si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon kay labor leader at dating presidential candidate na si Ka Leody De Guzman.

Ayon kay Ka Leody, dating kandidato sa pagka-Pangulo noong halalan sa 2022, “self-serving” at “naked display of self-interest” umano ang banta nina Mayor Baste Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Pangulong BBM.

Hindi umano’y pagmamahal sa bayan ang pinagmulan ng mga Duterte sa kanilang banta kay Pangulong BBM, kundi ang kanilang kagustuhan na iakyat agad sa pagkapangulo si Vice President Sara Duterte.

Inakusahan ni Ka Leody ang mga Duterte na umaasa sila sa constitutional succession para maitalagang Pangulo si VP Sara kaya’t gusto nilang patalsikin si Marcos.

Sinabi rin ni Ka Leody ang mga Duterte na huwag masyadong mayabang at huwag ipilit sa suwerte ang kanilang kahilingan. Ito ay matapos niyang ipaalala ang pagbasak ni dating Vice President Jejomar Binay sa surveys kahit pa siya ang nangunguna sa mga paunang survey bago ang halalan sa 2016.