GUTOM SA ‘PINAS MABUBURA SA LOOB LAMANG NG 10 TAON

Rep Camille Villar

SA LOOB ng sampung taon ay tuluyan nang mawawakasan ang nararanasang kagutuman sa iba’t ibang bahagi ng bansa, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang komprehensibong ‘National Food Program’.

Ito ang paniniwala ni House Deputy Majority Leader at Las Piñas City Rep. Camille Villar.

Sa iniakda ng ranking lady house official na House Bill no. 5785 o ang ‘Act Ensuring The Availability,  Adequacy,  Accessibility And Safety of Food to Every Filipino, isinusulong sa nasabing programa na siguruhing ang bawat mamamayang Filipino ay mayroong sapat na pang-araw-araw na pagkain.

Ayon kay Villar, matitiyak ang kaukulang pagkain o nutrisyon ng bawat isa sa pamamagitan ng paglalaan ng mga lugar, lalo na sa bawat rehiyon ng Filipinas, na siyang magagamit para mapataas ang ‘food production’ partikular sa sektor ng agrikultura.

“The measure intends to steadily increase the percentage of development of ancestral lands; percentage of rural population with access to productive resources; share of budget spent on programs aimed at creating access to productive resources; percentage of budget spent on agri-research, agri-extension, irrigation, training, technology, credits and rural development,” sabi pa  ni Villar.

Nais din ng mambabatas na regular na magsagawa  ng national nutrition surveys at household surveys ang Philippine Statistics Authority (PSA), gayundin ang Family Income and Expenditure Survey at Annual Poverty Indicators Survey, na siyang pagbabasehan sa implementasyon ng National Food Program.

Ang mga komunidad o lokalidad na matutukoy na mayroong mataaas na insidente ng pagkagutom ang siyang bibigyan ng prayoridad sa nasabing programa.

Ito ay mula sa anyo ng pagtanggap ng mga ito ng ayuda o tulong pinansiyal hanggang sa pagiging aktuwal na bahagi ng layuning tumaas ang produksiyon  ng pagkain sa kanilang lugar, para na rin sa kanilang kapakinabangan.

Samantala, nakapaloob din sa HB 5785 ang pagbuo ng Commission on the Right to Adequate Food, na nasa ilalim ng Office of the President, na si-yang tututok naman sa pagtitiyak na may sapat na suplay ng pagkain sa panahon ng kalamidad lalong-lalo na para sa mga pamilya nasalanta.

Giit ni Villar, mas matinding pasakit para sa mga biktima ng ka­lamidad ang makaranas ng gutom bukod sa pangyayaring nawasak ang kanilang ta-hanan at nawalan sila ng kabuha­yan kung kaya marapat lamang na agad matugunan ng gobyerno ang patungkol sa food supplies kabilang ang ipama-mahagi sa mga nasa evacuation center.

“Adequate food is not a matter of charity, but a legal entitlement. Hunger is inconsistent with human dignity and human rights, and must be eliminated. The State shall provide for a framework to address and eliminate hunger,” giit ni Villar. ROMER R. BUTUYAN

One thought on “GUTOM SA ‘PINAS MABUBURA SA LOOB LAMANG NG 10 TAON”

Comments are closed.