UBOD ng pagkadaldalero ang ma-appeal at gwapong young actor na ‘to na masasabing “kiss and tell.”
Lahat na lang yata ng kanyang nakarelasyon ay idinadakdak niya sa press na close sa kanya.
Hindi rin siya maawat sa pagbuking ng mga chicks na naka-intimate niya sa kanyang mga katropa.
Lahat ng babaeng nadala niya sa hotel, motel, condotel, bahay, at kotse ay binubuking niya.
Sa ngayon, he is perpetually complaining about his latest GF, a comely young actress who is so busy with her latest ambitious project that is one of the network’s veritable top-raters.
Balak daw ng may kayabangang aktor ay buntisin na ang young actress.
Ang tanong, papayag naman kaya? Bagama’t may tama sa kanya ang young actress, I don’t think she is cheap enough to agree to his cheap maneuvering.
Anyway, kahit daw ang ilang production staff ng show na kanyang kinabibilangan ay medyo na-off na rin sa pagiging daldalero niya.
The who siya? Well, basta hindi siya sa ABS- CBN.
STUDIO 7 PATOK NA PATOK SA MARIKINA RIVER BANKS
SA Marikina River Banks ginanap ang latest edition ng paboritong Sunday night crew na Studio7 Musikalye.
Nakisaya ang magagaling na performers na sina Ayra Mariano, Ysabel Ortega at ang star ng “Love You Two”, na si Shaira Diaz.
Ipinakita nila ang kanilang galing at versatility sa numbers na musical flavors from all over the world.
Damang-dama rin ang power ng OPM love songs sa world-class performances nina Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Golden Cañedo, Jong Madaliday, Garrett Bolden, Mirriam Manalo at Julie Anne San Jose.
Kwela rin ang segment nina Donita Nose at Kristoffer Martin as they hit the road for another fun-jamming session in Keri-oke!
Maganda rin ang tribute sa Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose as she turns a year older and treats the crowd to another kilig performance on stage together with Rayver Cruz.
Considered as highlight of the evening ang patalbugan nina Donita Nose at Aicelle Santos as they battled it out on stage in grand display of vocal showdown in Besh Version.
Kayo na ang bahalang humusga kung sino ang nangibabaw.
Huwag kaliligtaang panoorin bawat Linggo ang Studio7, only on GMA!
LEA SALONGA HININTO ANG CONCERT SA ARIZONA DAHIL SA RINGING CELLPHONE
SOLD-out ang concert ni Lea Salonga sa Scottsdale Center for the Performing Arts sa Arizona, USA last May 18 kung saan 35 hanggang 85 dollars ang tickets.
Teeming with people raw ang venue at impressed ang mga tao sa opening number ni Lea who was wearing a long gown but with sneakers to boot.
Ipinaliwanag niyang she was on therapy because of a skiing incident last January.
Well received ang kanyang opening song but on her second song, nagulat daw si Lea dahil sa tunog ng cellphone.
May warning na kasi bago pa man simulan ang concert na i-turn off o i-mute ang cellphone para hindi magsilbing distraction sa performance ng artist.
Tumigil raw si Lea on her second song at sinabihan ang may-ari ng cell phone na sagutin ito dahil it could be an emergency.
She sounded polite but some people purportedly have noticed that her eyebrow were raised.
Anyway, may mga palabas talaga sa teatro na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone.
Aktong inilalabas mo palang ang cellphone mo during a performance, may laser light na agad na tatama sa iyo.
Even in cinemas, prior to a showing of a movie, may mahigpit na paalala na i-off o i-mute ang cellphone.
Follow me at my Twitter account Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.