Gwapigs Porkchop, ang gwapong baboy

Liban sa pag-aartista, may iba pang pinagkakaabalahan si Eric Fructouso. Mayroon siyang construction business na kasosyo ang ex-wife na si Gian. Mayroon din siyang fastfood chain na tinawag niyang Gwapigs Porkchop at motorcycle shop na tinawag naman niyang Gwapings Moto Powered by ETech. Sa araw na ito, ang Gwapigs Porkchop fastfood muna ang ating pagtutuunan ng pansin.

Isinilang na Frederick John Marco Magdaluyo Fructuoso Jr. noong March 31, 1977, siya ay naging comedian, businessman, at hip hop dancer. Sumikat siya noong early 1990s bilang bahagi ng teen boy group na “Gwapings” kasama sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Jao Mapa. Aktibo pa rin si Eric sap ag-arte, portraying mature roles na kadalasan ay kontrabida.

Nagsimula siya sa TV sa sitcom na “Palibhasa Lalake”, kasama naman sina dating Ormoc Mayor Richard Gomez, dating Parañaque Mayor Joey Marquez, John Estrada, dating Parañaque Vice Mayor at dating Quezon City Board Member Anjo Yllana, Gloria Romero, Cynthia Patag, Amy Perez-Castillo, Bearwin Meily, Carmina Villaruel-Legaspi, Jackie Manzano-Yllana, Regine Tolentino-Vera Perez, Jao Mapa, Antonio Aquitania, dating Ang TV stars singers Lindsay Custodio at Rica Peralejo-Bonifacio.

Sa pelikula naman, of course, nagsimula siya sa “Guwapings The Movie” noong 1992, produced by Regal Entertainment.

Kamakailan, muli na naman siyang namayagpag sa TV series na “Kadenang Ginto”. Nagkaroon din siya ng comeback sa comedy movie na “Dyagwar: Havey Or Waley” noong 2021 matapos ang siyam na taong pamamahinga. Noong 2023, kumasa siya sa VIVA Artist at nakasama sa comedy movie na “Para Kang Papa Mo”, kasama ang mga dating co-Guwapings stars na sina Mark Anthony Fernandez, actor turned painter Jao Mapa at dating Hastags dancer Nikko Natividad pati na si Ruby Ruiz.

Kung tutuusin, maganda naman ang family background ni Eric apo siya ni dating PAGCOR director Carlos Magdaluyo, at nagmula sa Aklan. Sadyang may angking kagwapuhan kaya hindi kataka-takang napaibig niya at naging mga karelasyon sina Ara Mina, Joyce Jimenez, Aubrey Miles, Priscilla Almeda at Toni Gonzaga. Actually, naging sila ni Claudine Barretto bago pa nagiong si Claudine at Mark Anthony.

Nagpakasal siya sa isang non-showbiz girl – si Gian, at nagkaroon sila ng apat na anak, ngunit naghiwalay sila noong 2021 matapos magsama ng 16 na taon. Ngunit nanatili silang magkasosyo sa mga negosyong naitatag nila habang sila pa ang nagsasama.

May anak din siyang pinangalanan niyang Frederick III (“Tres”) sa isa pang ex-wife. Noong 2021, naging lolo si Eric sa edad na 44 nang magkaanak si Tres sa asawang si Anne Carlene. Leo ang pangalan ng kanyang apo.

Balik sa Gwapigs, patuloy itong namamayagpag at dinarayo ng marami sa pag-asang masisilayan ang guwapong si Eric na bukod sa pagiging endorser ay paminsan-minsan ding nagse-serve bilang waiter sa ilan sa mga branches ng Gwapigs. Wala siyang specific na araw ng pagbisita sa kanyang mga restaurants kaya naman patuloy na nag-aabang ang mga fans.

In fairness, hindi lamang naman si Eric ang dinarayo ng mga kliyente sa Gwapigs. Masarap din kasi at affordable ang pagkain dito.RLVN