GYMS, MUSEUMS MAGBUBUKAS NA

PINAYAGAN  na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbubukas ng mga gym sa National Capital Region Plus.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bukod sa mga gym, pinapayagan na rin ang operasyon ng fitness studios, skating rinks, at racket sports courts sa NCR Plus at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Pero ayon kay Roque, nasa 30 percent lamang ang venue capacity ng mga ito.

“The Inter-Agency Task Force (IATF) on Thursday, June 10, 2021, allowed the opening of indoor non-contact sports venues with Safety Seal Certifications such as gyms, fitness studios, skating rinks, and racket sports courts in the National Capital Region (NCR) Plus areas at 30% venue capacity,” pahayag ni Roque.

Maging ang historical sites at museums na may 20 percent venue capacity ayon kay Roque ay pinapayagan na rin subalit nagpaalala na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng health at safety protocols at gayundin ang permiso mula sa kinauukulang local goverment units kung saan matatagpuan ang mga naturang historical sites at museums.

“Guided tours in these historical sites and museums, however, remain prohibited,” giit pa ni Roque.

Ang NCR Plus areas ay nasa ilalim ng general community quarantine “with restrictions” hanggang Hunyo 15.

Inaasahan namang iaanunsiyo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging quarantine classification ng NCR Plus at iba pang bahagi ng bansa sa susunod na mga araw. EVELYN QUIROZ

9 thoughts on “GYMS, MUSEUMS MAGBUBUKAS NA”

  1. 76437 788263you are in point of fact a excellent webmaster. The site loading velocity is remarkable. It seems that you are performing any distinctive trick. In addition, The contents are masterpiece. youve done an excellent activity on this subject! 627146

Comments are closed.