GYMS, REVIEW CENTERS BUKAS NA ULIT SIMULA NGAYONG ARAW

SIMULA ngayong araw ay maaari nang magbukas ang mga establisimiyento tulad ng gyms, tutorial centers at yaong mga nag-aalok ng personal grooming services sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ito ang inanunsiyo  kahapon ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa “Laging Han-da” program.

Nilinaw ni Looez na ang mga natirang atablisimiyento ay maaaring mag-operate ng hanggang 30 porsiyentong capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at hanggang 50 porsiyento naman sa mga nasa ilalim ng modified GCQ.

“The sectors like personal grooming services, testing, tutorial, review centers, gyms, they are allowed to open starting September 1,”  sabi ni Lopez.

Ang operasyon ng nabanggit na mga establisimiyento ay pansamantalang pinatigil makaraaang isailalim ang Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa MECQ.

Bagaman bumalik na sa GCQ ang naturang mga lugar simula noong Agosto 19 ay nanatiling  sarado ang nalabing mga  negosyo upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.

Nilinaw ni Lopez na ang operasyon ng mga ito ay kailangang alinsunod sa mga panuntunan  na itinakda ng mga kinauukulang local government unit.

Sa kasalukuyan ay 75 porsiyento  pa lamang ng mga negosyo ang pinapayagang mag-operate sa GCQ areas.

“If you count the sectors, it can go up to 90 plus or 94 percent but as we can see now all (es-tablishments) have opened,” dagdag pa ng DTI chief. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.