Noong 2000, naglunsad ng kampanya ang Coca-Cola laban sa pag-inom ng tubig na tinawag nilang “Just say no to H2O.” Binalaan ng Coca-Cola ang mga consumers na mag-order ng tap water sa mga restaurant, at sa halip ay soft drinks, non-carbonated beverages, o bottled water.
Tinawag din itong H2NO, na nagsasabing ang chemical formula ng tubig ay hindi naganda sa katawan. Ipinalabas ang H2NO campaign sa pamamagitan ng Internet memo sa mga distributors at restaurants.
Noong July 2001, sinabi sa isang interview sa The New York Times ni Rob Cockerham, isang graphic designer, na “I had to assure more than one person that this was not a prank, and that it was a real article from Coca-Cola.”
Noong August 2, 2001, isang linggo matapos ang interview, isinara ang Coca-Cola portal. Sinabi ni Coca-Cola spokeswoman Polly Howes na misinterpreted lamang ang kampanya ng mga taong walang alam sa sales-related business.
Sa success story ng online public relations portal ng Coca-Cola na may titulong “The Olive Targets Tap Water & WINS”, sinabi ng Coca-Cola ang kanilang purpose, implementation, at tagumpay upang mabawasan ang “tap water incidence”.
Ipinaliwanag ng Coca-Cola na humihingi ng tap water ang mga customers dahil nakagawian na ito, at ang pagbebenta ng alternative beverages ay mas makakabuti sa mga guest.
Kailangan ang tubig para mabuhay, pero sa mga Casual Dining restaurants, hindi ito ikinatutuwa ng mga customer. Humihingi ang mga customers ng tap water hindi dahil gusto nila ito kundi dahil nakagawian na nila ito. Bilang tugon, nagpapatupad na ang mga restaurant ng programa upang ma-train ang mga crew na magbenta ng alternative choices sa tubig, tulad ng soft drinks at non-carbonated beverages, sa layong mas mapaganda ang overall guest satisfaction.
Nag-suffer ang Olive Garden sa “high water incidence rate” at nais nilang bigyang diin sa mga restaurant crew na maraming pagpipiliang inumin kaya pwede na silang hindi humingi ng tubig. Bilang tugon, naglunsad ang Coca-Cola USA-Fountain ng water reduction program H2NO. Sa H2NO program mayroong “beverage suggestive selling technique” na itinuro sa crew.
Pero nakatanggap ang programa at ang Olive Garden ng malawakang panglalait dahil ayon sa mga kritiko, kapwa gumagamit ang PepsiCo at Coca-Cola ng malinis na tap water sa kanilang bottled waters kaya okay lang uminom ng tap water. – SHANIA KATRINA MARTIN