HABAGAT PALALAKASIN NI ‘DODONG’ HABANG PALABAS NG PAR – PAGASA

HANGING HABAGAT

MAGPAPATULOY ang malalakas na pagbuhos ng ulan sa malaking parte ng ating bansa.

Ito ang inilabas na update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kabila ng papalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Dodong’.

Napag-alamang palalakasin pa rin ng papalayong bagyo ang hanging habagat na nakaaapekto sa Metro Manila, Central Luzon at ilang parte ng Visayas.

Huling namataan ang sentro ni “Dodong” sa layong 705 km silangan ng Basco, Batanes habang taglay nito ang hangin na 45 kph at may pagbugsong 60 kph.

Kumikilos ang sama ng panahon patu­ngong hilaga hilagang silangan sa bilis na 15 kph.

Patuloy namang inaalerto sa malalakas na pagbuhos ng ulan, baha at landslide ang mga residente ng Mimaropa (Northern Pala-wan, Mindoro Provinces, Romblon and Marinduque), Western Visayas (Aklan, Antique, western Iloilo, Guimaras and Negros Occidental), bahagi ng Bicol Region (Masbate, western sections ng Camarines Sur, Albay, at Sorsogon.

Habang may mga inaasahan ding buhos ng ulan sa Metro Manila, western portions ng Central Luzon (Zambales, Bataan, Pampanga and Bulacan), Mindoro Provinces at Western Visayas hanggang ngayong araw (June. 27). BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.