DAHIL sa matinding pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing lansangan, ang ‘motorcycle taxi’ o ‘habal-habal’ ang pinakamahusay na alternatibong transportasyon sa Metro Manila at maging sa iba pang highly-urbanized areas ng bansa.
Ito ang nagkakaisang pahayag nina House Committee on Metro Manila Development Chairman at Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo at Marikina City Rep. Bayani Fernando kasabay ng panawagan nila sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tumulong sa pamamahala sa mass transport system.
Ayon kay Fernando, na ilang taon ding namuno sa MMDA, dapat nang maituloy ang implementasyon ng Bus Rapid Transport (BRT) System Project, na isa sa nakikita niyang solusyon sa suliranin sa trapiko sa Metro Manila.
Iminungkahi niya na ipatupad at pamahalaan ng MMDA ang BRT System Project lalo’t hindi lamang ito solusyon sa problema sa trapiko, kundi maging sa pangangailangan sa maaayos na tranportasyon ng mga taga-Metro Manila. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.