MAKARAAN ang tatlong taon, hinatulan ng guilty ng Makati Regional Trial Court ang limang pulis sa kasong kidnapping at habambuhay na pagkakulong.
Ito ay nang kidnapin ng lima ang isang drug suspect saka hingan ng P100,000 ransom.
Tinanggap naman ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon para sa mga suspek na sina Ronaldo Prades, Rigor Octavio, Sajid Anwar Nasser, John Marck Cruz at Anthony Fernandez.
Batay sa desisyon ng korte, 40 taon ang hatol na pagkakulong sa limang dating kagawad ng Pasay Police.
Ayon kay PNP public information officer Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, dapat magsilbing babala sa kanilang kasamahan ang sinapit ng lima na walang makaliligtas sa batas kapag nagkasala.
Ito rin aniya ang katunayan na kumikilos ang batas sa bansa at hindi nila kukunsintihin ang maling gawain.
“This is also proof that the PNP is taking action against crooks and that we don’t tolerate illegal deeds within the police organization,” ayon kay Alba.
Una munang nagpasaklolo ang biktima sa dating PNP counter intelligence task force, kaya isinagawa ang entrapment operation na pagkahuli sa lima. EUNICE CELARIO