IKINAGALAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ibinabang hatol na habambuhay na pagkakakulong sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamson ng Quezon City Regional Trial Court kaugnay sa kasong pagdukot sa isang Army officer.
Ito ang kinumpirma ni AFP Public Affairs Office Chief Navy Capt. Jonathan Zata sa dokumentong nakuha mula sa korte kung saan ginawaran ang mag-asawa in absentia ng 40- taong pagkakakulong at pagbabayad ng mahigit P200,000.00 danyos sa complainant na si Lt. Abraham Claro Casis.
“The conviction of the Tiamzons is a victory for the many victims of atrocities of the NPA particularly orders to conduct murder, arson, extortion, ambushes, bombing and the like that they orchestrated,” ayon kay AFP Spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo.
Sa ibinabang hatol ni QC Regional Trial Court (RTC) Branch 216 Judge Alfonso Ruiz II, napatunayang nagkasala sina National Democratic Front (NDF) consultants Benito at Wilma Tiamzon sa kasong kidnapping and serious illegal detention sa pagdukot kay Casis noong 1988.
“The many victims of NPA atrocities and the Armed Forces of the Philippines (AFP) rejoice with rhe conviction of two top NPA leaders and CPP Central Committee members Benito and Wilma Tiamzon,” ani Arevalo.
Magugunitang nakalaya ang mag-asawang Tiamzon noong 2016 matapos makapaglagak ng P100,000 piyansa upang makiisa sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA- NDF.
Subalit, muli silang ipina-aresto ng korte matapos ibasura ni Pangulong Duterte ang peacetalks sa hanay ng CPP-NDF-NPA at ipawalang-bisa ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).
Bukod sa kidnapping, ipinagharap din ng kasong multiple murder ang mag-asawang Tiamzon matapos madiskubre sangkot din ito pagpatay sa mga hinihinalang missing link o napagbintangan mga espiya ng gobyerno nang madiskubre ang Inopacan Mass grave sa Leyte.
Sa ngayon nagpapatuloy ang manhunt operations ng PNP-AFP laban sa mag-asawang Tiamzon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.