(Habang naka-MECQ) WALANG PUTULAN SA TUBIG, KORYENTE

Ferdinand Geluz

HABANG nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ay walang putulan ng tubig at koryente sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila at apat na karatig-lalawigan ng Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

Ayon sa Meralco, tuloy ang suspensiyon ng disconnection activities sa mga nasasakupan nila hanggang katapusan ng buwan, ang huling araw na iiral ang MECQ.

“We hope this extension will help lessen the burden of our customers and provide enough relief and time for them to settle their bills,” pahayag ni Meralco Chief Commercial Officer Ferdinand Geluz.

Gayunman, tuloy pa rin, aniya, ang pagbabasa ng mga metro ng koryente.

Samantala, inatasan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang Manila Water at Maynilad na itigil muna ang pagpuputol ng serbisyo ng tubig habang umiiral ang MECQ.

“This is to ensure that all customers receive clean and adequate water supply for their health and sanitation requirements, especially during this difficult time of pandemic,” sabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty.

Magugunitang itinigil muna ng Meralco at ng dalawang water concessionaires ang pagputol ng kanilang serbisyo sa mga consumer na hindi nakabayad ng bill noong nakaraang buwan makaraang isailalim sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang NCR Plus.

2 thoughts on “(Habang naka-MECQ) WALANG PUTULAN SA TUBIG, KORYENTE”

Comments are closed.