DAHIL sa krisis na dulot ng African Swine Fever (ASF), nakakaligtaan yata ng Department of Agriculture (DA) ang suliranin na maaaring naisasaluksok sa ating bansa ng paggamit ng mga genetically modified organism (GMO), partikular sa mga sakahan, lalong-lalo na sa pagsasaka ng talong at mais.
Sa kagustuhan kasi ng marami nating mga magsasaka ay nata-trap sila sa paggamit ng GMO na ang hindi nila alam ay nak-asasama sa kalusugan nila habang kanilang itinatanim.
Bukod dito, ang mismong lupang pinagtatamnan ay nalalason ng nasabing mga GMO na punla at maaaring permanenteng ikasi-ra ng kanilang mga lupang sakahan at maaaring madamay pa ang kalikasan o kapaligiran.
Ito rin ay nakasasama sa mga mamimili na kakain ng kanilang mga inaning GMO, at maaaring mag-resulta sa mga sakit katulad ng kanser.
Ang siste kasi, ang GMO na mga punla o binhi ay nilalayuan ng mga kulisap na karaniwang kumakain at naninira ng mga pananim. Ang lohika rito, hinahaluan ng mga kompanya ng parte ng karne ang nasabing mga punla ng gulay kung kaya’t ang mga kulisap at insekto, sa pag-aakalang hindi gulay ang mga ito at bagkus ay mga hayop, ay nagkukusang umiwas kaya’t hindi na inaatake ang mga nasabing gulay hanggang lumaki at anihin na.
Totoong mas malaki ang ani sa pamamagitan ng GMO ngunit ang dulot namang kasamaan nito sa mga magsasaka, lupa at mga mamimili ay hindi natin nasusukat.
Ang kompanyang GMO na ito, ka-partner ang isa pang kompanyang pang-kemikal ang gumawa ng panlaban naman sa lamok sa bansang Brazil upang masawata sana ang Zika virus.
Nagpakawala ang kompanya ng kemikal sa mga daluyan ng tubig sa Brazil at nagpakawala rin ng mga lamok na GMO na pawang pinakialaman ang reproductive system ng mga ito. Ang siste sana, ang mga lamok na mangingitlog sa mga daluyan ng tubig kung saan ini-spray ang kemikal ay isasabotahe ang pag-develop ng mga kiti-kiti na magiging lamok, na nagreresulta sa pagka-kakulang ng pakpak o kaya ay paa. Ganito rin ang resulta sa mga lalaking lamok na pinakawalan nila, na magpe-fertilize ng mga babaeng lamok, ngunit sa paglaki ng mga kiti-kiti ay kulang-kulang ang mga bahagi ng mga lamok.
Ito ang intensiyon at misyon ng mga kemikal na pinakawalan ng nasabing kompanya, ngunit dahil sa mga daluyan ng tubig ini-spray ang mga kemikal ay nainom ito ng mga taga-Brazil at dito na lumabas ang sakit na microcephaly kung saan ang mga nabubuntis sa Brazil ay nagkakaanak ng mga sanggol na napakaliit ng mga ulo.
Nagkakamali ang ating mga doktor sa paniniwalang ang microcephaly ay kagagawan ng Zika virus, dahil bagong sakit lamang ito sa Brazil samantalang ang Zika virus ay noong taong 1950s pa nagkakaroon ng insidente sa nasabing bansa ngunit ang micro-cephaly ay bagong phenomenon sa nasabing bansa. Marami ang naniniwala na hindi Zika virus, kundi ang kemikal na ini-spray ng nasabing kompanya sa mga daluyan ng tubig at ang alterasyon na ginawa sa mga lalaking lamok ang lumikha ng sakit na micro-cephaly.
Maging ang Korte Suprema ay nagkahinala sa mga kemikal at GMO na dala ng nasabing kompanya sa Filipinas, ngunit mahi-wagang nabaligtad ang desisyon nito taong 2016.
Nakababahala na dahil lamang sa salapi ay mabibiktima ang 100 milyong Filipino ng isang kompanya na ang orihinal na negosyo ay gumawa ng kemikal na pang-digmaan.
Comments are closed.