(Habang pinag-aaralan ng IATF) ‘NO VAX, NO WORK’ ITIGIL MUNA

NIREREPASO na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ‘no vaccination, no work’ policy.

Ang hakbang ay kasunod na rin ng pagtutol at panawagang ipatigil ang kautusan mula sa grupo ng mga manggagawa at ilang mambabatas.

Sa pagdinig ng House Committee on Labor and Employment, sinabi ni DOH-IATF Secretariat Usec. Charade Mercado-Grande sa mga kongresista na kasalukuyan nang pinag-aaralan ang polisiya.

Gayunman, aminado si Grande na patuloy pa rin ang implementasyon ng polisiya sa kabila ng pagrerepaso rito  ng IATF.

Umalma naman dito si TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza, vice chairman ng komite, at iginiit na dapat ay ipahinto muna angApolisiya habang inaaral pa ng IATF.

Napag-alaman na nagpadala ng liham si Committee chairman at 1-PACMAN Party-list Rep. Eric Pineda sa IATF na humihiling na ipahinto muna ang pagpapatupad ng ‘no vax, no work’ policy na umano’y discriminatory sa mga empleyado. CONDE BATAC