(Habang suspendido ang klase) ‘ONLINE LESSONS’ AT ‘HOMEWORKS’ SA MGA ESTUDYANTE

ONLINE LESSONS

HINDI dapat ma­ging hadlang ang ilang araw na suspensiyon ng klase bunsod ng banta ng coronavirus disease o Covid-19, partikular sa buong Metro Manila at ilang lalawigan at bayan, para matigil sa kanilang pag-aaral ang mga estudyante.

Ito ang binigyan-diin ni House Assistant Majority Floorleader at ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran kung saan maaari aniyang gamitin ang makabagong teknolohiya lalo na ang social media sa pagbibigay ng ‘online lessons’ sa mga mag-aaral kahit sila’y nasa kani-kanilang bahay.

“Don’t just give the students passing grades. They need to continue on learning while at home by giving home work and reading materials or online lessons while classes are suspended.” Ang pahayag pa ng ranking house lady official.

Giit ni Taduran, hindi siya pabor na dahil kanselado ng ilang araw ang pasok sa eskuwela at may posibilidad na mapalawig pa ang class suspension dahil sa Covid-19, ay dapat ipasa na lamang ang mga mag-aaral.

Sinabi ng ACT-CIS party-list congresswoman na dapat maitanim sa isipan ng mga estudyante na kinakailangan nilang paghirapan o pagsumikapan ang pagkakaroon ng maganda at mataas na grado para na rin makapasa sa klase.

Umapela rin si Taduran na bigyan ng kaukulang ‘protective equipment’ ang lahat ng mga tauhan ng pamahalaan na silang itinuturing na ‘frontliners’ sa kampanya laban sa COVID-19. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.