(Habang umiiral ang ECQ) 60% TAPYAS SA CRIME RATE SA METRO

Debold Sinas

TAGUIG CITY-INANUNSIYO ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ang crime rate saMetro Manila ng 60% matapos na ideklara ng gobyerno ang Luzon-wide Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay  NCRPO chief, Police Major General Debold Sinas, na mula Marso 15 hanggang Marso  20 ay bumaba ng 65.4% sa limang araw ang crime rate kumpara sa nakaraang taon.

Sinabi nito na  ang pagbaba ng crime rate ay dahil na rin sa ang publiko ay nasa loob lamang ng kanilang mga bahay.

Sa comparative crime statistics na inilabas ng NCRPO bumaba ang kaso ng murder sa  30%, 33% para sa homicide, physical injuries ng 73%, rape ng 78%, robbery ng 64%, theft ng 64%, carnapping of motorcycles ng 58% at carjacking of motor vehicles ng 75%.

Sinabi rin ni Sinas na ang NCRPO personnel na naka-deploy sa mga community quarantine checkpoints ay may sapat na personal protective equipment (PPEs) kagaya ng face masks, helmet, disinfectant, portable toilets at tents.

Lahat ng personnel ay mayroon ding gamit na thermal scanners at sapat din ang supply ng kanilang pagkain. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.