MAS lalong nabigyan ng kulay at buhay ang bawat habi at hibla ng ating mga kababayan sa suporta ng siyensya.
Ayon kina Engr. Romelen Tresvalles Regional Director ng Department of Science and Technology (DOST) at Dr. Julius Leano, Jr. Director ng DOST-PTRI sa kanilang modernong teknolohiya ay kayang sumabay ng mga manghahabi at manghihibla sa bansa na talaga ng world class ang kanilang mga likha at gawa.
Aminado si Leano na naging mahal ang presyo ng bawat tela dahil ito ay kumakatawan sa pagkatao ng lumikha nito ang isang manghahabi o manghihibla.
Naniniwala din sina Tresvalles at Leano na hindi ang tela ang binabayaran sa bawat likha kundi ang artistikong pagkagawa nito.
Nakatakdang ilunsad sa ikalawang taon ang pamana agham siyensya sa bawat Habi at hibla ng DOST-PTRI sa Agosto 28 at 29 taong kasalukuyang sa Intramuros, Manila.
Layon nito na ipakita ang galing ng bawat manghahabi at manghihibla sa kanilang ginawa o likha.
Katuwang din ang ahensya ng mga bilang upang magkaroon ng kabuhayan o dagdag na kita habang sila ay nasa bilangguan.
Ganon din ang mga may kapansan ay natutulungan din ng programang ito.
Lubos namang nagpapasalamat si JCSupt. Clint Russell Tangeres, CESE ang Regional Director ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) National Capital Region (NCR) sa programang ito ng ahensya dahil sa labis at laking tulong ito para sa mga bilanggo.
Ayon kay Tangeres, ang bawat kita ng mga bilanggo ay napapakinabangan ng kani-kanilang mga pamilya dahil sa ito ay kanilang naiuuwi matapos silang dumalaw.
Nagpapasalamat naman ang DOST-PTRI sa lahat ng kanilang mga naging partners sa kanilang programang upang lalo pang paunlarin at linangin ang talento sa paghahabi o paghihibla ng ating mga kababayan lalo na ang mga katutubo.
Dahil dito tiniyak ng DOST na maglalaan sila ng pondo para matiyak na lalong mapaunlad ang kabuhayan at sektor ng paghahabi at paghihibla.
Crispin Rizal