HABILIN NI DOLPHY “TUMULONG SA NANGANGAILANGAN”

Madalas daw mapagalitan noong nabubuhay pa si Dolphy ang anak na si Eric Quizon, dahil tinatabig nito ang mga mapagsamantalang humihingi ng tulong. Napaka-generous daw kasi ni Dolphy kaya inaabuso.

Kaya lang, nagi­ging kontrabida raw siya sa namayapang Comedy King dahil dito.

Nakagisnan daw niya na tuwing may taping ito noon ay dinadagsa sila ng mga tao na humihingi ng tulong, at nakikita niyang nagte-take advantage ang mga ito sa pagiging bukas-palad ng kanyang daddy.

Okey daw namang tumulong at hindi naman siya madamot, pero sa totoong nangangailangan lang. Yung iba raw kasi, iniaasa na ang lahat sa ayuda.

Si Eric ang tuma­tayong spokesman at exe­cutor ng pamilya Quizon dahil ito raw ang nakasaad sa Last Will ni Dolphy. Hindi si Eric ang panganay sa 18 magkakapatid, ngunit ipinagkatiwala ito sa kanya ng Hari ng Ko­medya. Dahil siguro alam nitong susundin ni Eric to the dot ang bilin ng ama — lalo na ang “for the boys.” Ibig sabihin, huwag kalimutang mag-share ng blessings sa mga nanga­ngailangan.