TINITINGNAN ngayon ng bayan ng hablon-weaving town ng Miag-ao, Iloilo ang oportunidad para maging kuhanan ng cotton yarns mula sa kanilang sariling lupa.
Sinabi ni Dindo Nemiada, Department of Trade and Industry (DTI) coordinator at local economic enterprise consultant ng Miag-ao kamakailan na ang programa ng bulak sa bayan ay nagsimula pa noong 2018.
“Our weavers purchase polyester fiber for making our hand-woven fabrics. The production of cotton yarn will provide them lesser cost of materials,” sabi ni Nemiada.
Sa paghimok ng mayor ng Miag-ao na si Dr. Macario Napulan, ang programa ng bulak sa bayan ay sadyang magpalago ng halaman at iproseso ito para maging yarn or lana.
Ang Miag-ao ay kasalukuyang nagpapalago ng bulak sa Barangay Durog, Dawog, Baraclayan, Maricolcol, at Kirayan Tacas.
Apatnapung cotton farmers ay sinusuportahan ng Philippine Fiber Industry Development sa pagbibigay sa kanila ng binhi, pest control chemicals, training, at technical assistance.
Bilang kapalit, nagtalaga naman ang mga magsasaka ng bahagi ng kanilang lupa at nagtrabaho sa pagpapalago ng tanim na bulak. Sinabi ni Nemiada na ang cotton farm sa Miag-ao ay mayroong 20 ektarya.
“Cotton plants grow for five months and we expect harvest in March or April this year,” dagdag niya.
Para naman sa pagpoproseso ng yarn o lana, sinabi ni Nemiada na ang local government ng Miag-ao, Department of Science and Technology (DOST), at ang Iloilo Science and Technology University (ISAT-U) ay nakatakda nang pumirma ng memorandum of agreement sa unang linggo ng Marso.
Ang DOST-Philippine Textile Research Institute (PTRI) ay magbibigay ng spinning, ginning, at iba pang cotton processing machines na ilalagay sa research property ng ISAT-U.
Ang cotton yarns ay hindi lamang gagawing eksklusibo para lang magamit ng Miag-ao weavers, sabi ni Nemiada.
Nagpahayag na ng kanilang pagpayag ang DOST-PTRI at ang Philippine textile council, HABI, para kumuha ng cotton yarns mula sa Miag-ao.
Nagpahayag naman ng suporta si Senator Cynthia Villar, chairperson ng senate committee sa pagkain at agrikultura para sa cotton program.
Sa mga naunang panayam, sinabi ni Villar na ang cotton yarn processing sa Miag-ao ay magbibigay rin ng benepisyo sa ibang bahagi ng bansa, na umaangkat pa ng raw material.
“Miag-ao’s hablon have a brighter future with the cotton farm and cotton processing in town,” dagdag pa ni Nemiada.
Ang Hablon ay isang salitang Hiligaynon na ibig sabihin ay habol, na tumutukoy pareho sa weaving process at ang fin-ished fabric. PNA
Comments are closed.