SAMAR – DALAWA katao ang nasawi habang anim na iba pa ang nasugatan dahil sa away sa lupa sa Purok 5, Brgy. Tinambacan Norte, Calbayog City.
Kinilala ang dalawang namatay na sina Renato Velasco, may asawa at Terry Walker, 54-anyos, habang sugatan naman sina Romeo Velasco Sr., Romeo Velasco Jr. at Joshua Velasco.
Sugatan ang mga suspek na sina Vicente Labonite, Mario Sayson Velasco, Helen Labonite y Velasco, at Angelo Jabonero pawang residente ng Barangay Tinambacan Norte, Calbayog City.
Sa pagsisiyasat ay lumalabas na winasak ni Romeo Velasco Sr. ang bakod na kawayan na umano’y sumasaklaw sa pinag-aawayang lupa ng mga suspek.
Nagalit umano ang kabilang panig at tinaga ang mga biktima at pinagbabaril pa gamit ang 38 revolver na naging sanhi ng kamatayan ni Renato Velasco at Terry Walker.
Nabatid na lumaban din ang mga biktima sa pamamagitan ng pagtaga sa mga suspek mahabang itak.
Dinala ang mga biktima sa St. Camilus Hospital sa Calbayog City habang dinakip naman ang mga sugatang suspek na dinala sa OLPHI Hospital, Calbayog City.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang caliber .38 revolver, isang homemade shot gun (sumpak), dalawang jungle bolo at isang kutsilyo.
Patuloy namang sinisiyasat ng Calbayog CPS ang pangyayari habang inihahanda ang kaukulang kaso na ihahain laban sa mga suspek. VERLIN RUIZ
Comments are closed.