HAGIBIS’ SONNY PARSONS DIES AT 61

MALUNGKOT  na ibinalita ni Vivian Velez, director general ng Film Academy of the Philippines sa kanyang socmed account ang biglaang buzzdaypagyao ng pangunahing miyembro ng grupong  Hagibis na si Sonny Parsons. He was 61.

Ayon kay Vivian, patungo si Parsons sa Quezon Province sakay ng kanyang motorbike nang ito ay atakehin sa puso sa gitna ng kanyang biyahe.

Kinumpirma naman ito ng anak na babae ni Sonny Parsons  na si Nicole Sta. Maria sa kanyang  Facebook post.

“Rest in peace, papa Sonny Parsons, you are now with Allah. Thank you sa lahat ng advice mo sa akin, sa love and for letting me meet all my siblings. I love you! Naiisip lang kita last Friday night and pinakikinggan ko mga songs mo. I love you,Papa!,” post ni Sta Maria,

Sumikat ang male group na Hagibis noong late 70s na naging Pinoy counterpart ng Village People at nakilala sa kanilang hit songs na papuri sa mga kababaihan tulad ng “Legs,” “Babae,” “Lalake” and “Katawan.” Kinilala silang First Boyband of the Philippines dahil sila ang unang nagpasikat sa boyband noon. Kilala sila sa image ng pagiging macho at sa kanilang kakaibang  costumes.

Sa limang miyembro ng Hagibis, na kinabilangan nina Sonny, Bernie Fineza, Mike Respall at Joji Garcia, si  Parsons at si Fineza ang pumasok sa pelikula at gumanap sa ilang action films.

Si Parsons na  Jose Parsons Agliam Nabiula Jr., sa tunay na buhay ay nagsilbi ring councilor ng Marikina City.

Comments are closed.