HAGUPIT NG SALN

warzone

DALAWANG chief justice o punong mahistrado na ang napatalsik sa kanilang puwesto dahil sa iregularidad ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN. Ang aral, huwag ipagsawalang-bahala ito ng mga kawani ng gobyerno, kasama na ang mga tinatawag na “political appointees” na naluklok sa posisyon sa gobyerno.

Hindi ito exempted sa sino mang opisyal at kawani ng gobyerno gaya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kailangang sumunod sa batas gaya ng pagsumite ng tamang SALN upang hindi masilo ng batas at maharap ng kasong administrati-bo, ang matindi ay kasong kriminal.

Sabi nga nila, “a public office is a public trust”, lagi kong naririnig ito sa isang political appointee sa kanyang pag-aalburuto.

Kaya kung ito ang ating ipinangangalandakan ay dapat tayo mismo ang magpakita ng katapatan sa paninilbihan sa mamamayan, isumite na natin o isumite natin ang tamang SALN.

Kung ikaw ay nakaupo na sa posisyon sa gobyerno, tumatanggap ka na ng suweldo o honorarium sa paggampan sa iyong tungkulin pero hindi ka pa nagsusumite ng SALN, may malaking problema ka. Kung hindi man Office of the Ombudsman o alin mang tang-gapan ng pamahalaan na may pakialam sa isyu ang dadale sa iyo ay puwede na ang “collegial body” na iyong kinabibilangan mismo ang hahambalos sa iyo ng “quo warranto petition” upang patalsikin ka sa iyong puwesto. Ang mangyayari, numbers game lang ‘yan at mawawalan ka na ng trabaho.

Para hindi na maulit pa ang nangyari sa dating chief justice Maria Lourdes Sereno at ang namayapa nang Renato Corona at sa lahat ng kawani ng gobyerno lalo na ang mga appointee, kasama na rito ang mga nasa PCSO, dapat isapubliko rin ng Office of the Om-budsman kung sino-sino ang hindi pa nagsusumite ng kanilang SALN pero ilang buwan o taon na ring nasa puwesto ng gobyerno. Sa ganitong paraan ay siguradong mapipilitan na magsumite ang mga dapat na magsumite ng kanilang SALN. Kung hindi naman ay kusa na lamang silang magbitiw sa kanilang posisyon para hindi nila abutin ang hambalos ng batas, gaya ng hagupit ng qou warran-to petition.

Kung hindi ka makapagsumite ng iyong SALN, may itinatago ka. Kadalasan ay tagong yaman na mahirap mong ipaliwanag kung paano mo ito nakuha at sa anong paraan.

oOo

Ang PCSO sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Alexander Balutan at Chairman Anselmo Simeon Pinili ay patuloy na nag-susumikap na palaguin ang kita mula sa mga lottery game na Lotto, Keno, Digit Games, Sweepstakes at ang bumubonggang Small Town Lottery.

Ang mabisang gabay ng kanilang pamumuno sa ahensiya ay transparency, tapang at malasakit kung kaya patuloy ang paglobo ng kita ng ahensiya na ang tanging mandato ay kumalap ng pondo para mapondohan ang mga serbisyong kawanggawa ng gobyerno lalong-lalo para sa libreng gamot at pampaospital ng mga mamamayang nangangailangan ng pinansiyal na ayuda. Mahirap o maya-man ka, aayudahan ka ng PCSO. Pero binibigyan ng espesyal na pagkalinga ang mga kapus-palad nating mga kababayan.

Email: fetad@yahoo.com

 

6 thoughts on “HAGUPIT NG SALN”

  1. Hey! I know this is kinda off topic but I was wondering if you knew where I could locate a captcha plugin for my comment form? I’m using the same blog platform as yours and I’m having trouble finding one? Thanks a lot!

  2. 330192 342800Usually I dont read write-up on blogs, but I would like to say that this write-up extremely compelled me to try and do so! Your writing style has been amazed me. Thanks, extremely excellent post. 162318

Comments are closed.