MAHIGIT sa 18,467 pamilya o 68,000 katao ang kinakailangan ilikas sa Regions 5 at 8 bunsod ng pananalasa ng Typhoon Bising.
Ayon sa NDRRMC update, bandang alas-8 ng umaga, nasa kabuuang 68,490 katao ang pansamantalang inilikas dahil sa nakaambang banta ng pagbaha sa halos walong lalawigang sakop ng Region 5 at 8 .
Nasa 22 barangay ang apektado ng pagbaha habang dalawang road section at isang tulay ang hindi maaaring daanan sa bahagi ng Region 8.
SA ulat ng NDRRMC, apat na probinsiya sa Region 7 at 8 ang nakaranas ng power interruption.
Nasa 17 sea trips naman ang nakansela sa Region 7, habang nasa 2,213 pasahero, 896 rolling cargoes at 61 vessels ang stranded sa mga pantalan sa Region 5, 7 at 8.
Lubhang naapektuhan ng mga pagbaha ang Samar Island dala ng Bagyong Bising.
Sa bayan ng Jipapad sa Eastern Samar, umapaw ang mga ilog at umabot na hanggang ikalawang palapag ang tubig baha.
Sinuspinde naman ng mga lokal na pamahalaan ng Mapanas at Palapag sa Northern Samar ang klase at pasok sa trabaho dahil sa masamang panahon.
Base sa 11 a.m. weather advisory ng PAGASA kahapon , huling namataan si Bising 235 kilometro east-northeast ng Virac, Catanduanes o 360 kilometro east ng Daet, Camarines Norte. May lakas naman itong 195 kph at bugso na 240 kph.
Dagdag ng PAGASA, nakakaranas ng malakas na pag-ulan simula pa nitong Lunes ang Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran at northern portion ng Leyte at posibleng tumagal pa hanggang weekend.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur (Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagnay, San Jose, Lagonoy), eastern portion ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu, Legazpi City, Manito), at eastern at central portions ng Sorsogon (Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Casiguran, Juban, Magallanes, Bulan, Bulusan, Irosin, Santa Magdalena, Matnog) sa Luzon.
Nasa ilalim din ng signal number 2 ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar at Biliran sa Visayas.
Samantala, mahigit 800 pamilya ang nananatili sa iba’t ibang evacuation centers sa bayan ng Laoang sa Northern Samar bunsod ng pananalasa ng Bagyong Bising.
Kinumpirma ni Laoang Mayor Harris Christopher Ongchuan sa”Laging Handa” public briefing na nasa 808 families o 2,185 katao ang lumikas mula sa 14 barangays.
Aniya, bagaman malakas ang pag-ulan ay wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa kanyang kababayan.
Inamin ng alkalde na ito ang kauna-unahan nilang karanasan na napakalakas na bagyo na tumagal sa mahigit 24 oras at sa buwan pa ng Abril o summer time.
Dahil nasa isla ang munisipyo, karamihan sa mga barangay ay nasa kapatagan at naging pahirapan ang logistics. VERLIN RUIZ/EVELYN QUIROZ
250582 167Watch the strategies presented continue reading to discover and just listen how to carry out this amazing like you organize your company at the moment. educational 549994
41347 627902Hi! Someone in my Facebook group shared this internet site with us so I came to check it out. Im certainly loving the data. Im book-marking and will be tweeting this to my followers! Outstanding blog and amazing design and style. 252245
48925 789412Thanks for the post. I like your writing style – Im trying to start a blog myself, I believe I may possibly read thru all your posts for some suggestions! Thanks once a lot more. 244903
560694 638396There is noticeably a bundle to learn about this. I assume you made certain good points in attributes also. 499614
550235 146774But, what concerning the bottom line? Are you sure in regards to the source? 425245