HAGUPIT NI ULYSSES

bagyo

PARALISADO ang buong Metro Manila at mga karatig lalawigan nang lumubog sa tubig baha dulot ng bagyong Ulysses na sinasabing mas matindi pa kaysa bagyong Ondoy.

Maraming lugar ang na-isolate dahil sa kawalan ng komunikasyon at halos 3.8 million consu­mers ng Meralco ang nawalan ng supply ng koryente bunsod ng magdamag na pananalasa ni Ulysses.

Sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense (OCD) sa Region 5 (Bicol),  dalawa na ang kumpirmadong nasawi na kinilalang sina Avelino Cabanela, 68-anyos na nakitang patay sa ibabaw ng bubong ng kanyang bahay sa bayan ng Bagabas, Daet, Camarines Norte at isang 70-anyos na kinilalang si Salva Mangubat na nadulas sa kasagsagan ng paglikas mula sa bayan ng Talisay.

Pinangunahan ni Interior ang Local Government Secretary Eduardo Año ang ginawang pagpupulong ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na nasa ilalim ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa panahon ng kalamidad upang magsagawa ng assessment sa ginagawang search and rescue operation, damage assessment sa Metro Manila partikular sa  Marikina City at sa iba pang apektadong lalawigan.

Habang personal namang nagtungo ng Malakanyang si Defense Secretary Delfin Lorenzana upang magbigay ng inisyal assessment at ilatag ang ginagawang rescue operation ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marikina, Southern Luzon at Central Luzon.

Ayon kay Office of the Civil Defense Deputy chief  ASec. Casiano Molina, umaga pa ay tinutukan na nila ang  Marikina, Pasig at ang buong Central Luzon kasunod ng ulat na malawakang pagbaha bunsod ng magdamag na pagbuhos ng ulan at pagpapakawala ng tubig ng Angat, Ipo, La Mesa at Wawa Dams.

Nauna nang nagbabala ang PAGASA sa local government units na malalapit sa mga ilog at dam na maging alerto sa posibleng pagbaha bunsod na gagawing pagpapakawala ng tubig sa mga dam sa oras na abutin nito ang critical spilling level.

Ang mga residenteng naninirahan sa mga  low-lying areas at malapit sa mga ilog ng Angat River mula  Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at  Hagonoy ay pinayuhan na sa  posibleng  flooding o  flash floods.

Agad na rin humingi ng ayuda ang NDRRMC  sa AFP, PNP, Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protections (BFP) units para ma-augment at tumulong sa mga gagawing search and rescue operation. VERLIN RUIZ

NAVOTAS UMAYUDA SA MARIKINA

MAKARAANG ma­sigurong ligtas na nakauwi sa kanilang mga bahay ang daan-daang pamilya ng Navotas City na inilikas mula sa coas­tals areas matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses, nagpadala naman si Mayor Toby Tiangco ng rescue teams sa Marikina City para tumulong sa paglilikas.

“Dahil nasiguro na natin na ang aming mga residente na naninirahan malapit sa mga baybayin na unang nailikas bago ang pananalasa ng bagyo ay nakabalik na sa kanilang mga tahanan nang ligtas, napagpasyahan kong oras na upang matulungan naman ang iba, sa labas ng lungsod,” pahayag ni Tiang­co.

Anang alkalde, sinikap ng pamahalaang lokal na makapagtayo ng mara­ming pumping stations na umabot na ngayon ng 54 na nakaposisyon sa buong lungsod dahilan upang mapigilan ang pagbaha.

Dagdag pa nito, bukod sa 54 pumping stations, meron din 3.6 kilometrong dike mula Bagumbayan North hanggang Tangos South na nag-poprotekta sa mga kabahayang nakaharap sa Manila Bay.

Samantala, sa katabing mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Valenzuela ay maraming mga pamilya rin na apektado ng bagyo ang inilikas patungo sa mga itinalagang evacuation center. EVELYN GARCIA

BAHA AT LANDSLIDE SA QUEZON

DULOT ng bagyong Ulysses, nagkaroon ng landslide sa mga bayan ng Padre Burgos at Calauag at muli na namang binaha ang Maharlika Highway bahagi ng barangay Canda Ibaba,sa bayan ng Lopez,Quezon na nakaharang din ng bumagsak na mga puno at poste ng kuryente kung kaya hindi madaanan ng mga sasakyan ang mga nabanggit na lugar.

Bumagsak  ang mga linya ng kuryente kasabay ng pagkawala ng komunikasyon sa mga bayan ng Unang Distrito ng Quezon na direktang tinamaan ng bagyo.

Ayon kay Quezon Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Dr.Mel Avenilla,pasado alas-2 ng madaling araw nang nawalan ng supply ng koryente sa halos lahat ng mga bayan sa nasabing distrito.

Nabatid na umabot ng halos 16 na oras na binabayo ng hangin at ulan ang buong Southern Quezon kung kaya mabilis na tumaas ang tubig baha at gumuho ang mga lupa. BONG RIVERA

PADER NG PABRIKA BUMIGAY: 3 PATAY, 3 SUGATAN

TATLO katao ang namatay habang 3 naman ang nasugatan makaraang mabagsakan ng gumuhong pader ng pabrika ang ilang bahay sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses sa Purok 4, Brgy. Langkaan 1, Dasmarinas City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga namatay na sina Romeo Cabanillas, Annabel Ca­banilas at Angelo Rome Cabanillas,2-anyos habang ang mga sugatan ay sina Rolly Dijal 23-anyos; Jomer Blesario, 27-anyos at Dennis Maquiling, 38-anyos.

Sa inisyal na ulat, lumilitaw na natutulog ang mga biktima sa kasagsagan ng nanalasa ang bagyong Ulysses nang biglang gumuho ang may 20 talampakang taas ng pader ng Polytechnic Manufacturing Incorporated.

Nabagsakan ang mga bahay ng biktima na mabilis naman na nirespondehan ng rescue team ng lokal na pamahalaan at makalipas ang 4-oras na retrieval operation. MHAR BASCO

BUNDOK MULING GUMUHO SA LAGUNA

MULING gumuho sa ikalawang pagkakataon ang maraming lupa na nagmula sa bundok sakop ng Bgy. Bancuro, Nagcarlan, Laguna bunsod ng walang tigil na pag-ulan sanhi ng bagyong Ulysses.

Agad naman nagsagawa ng clearing ope­ration ang pamunuan ng Barangay, pulisya at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa lugar para madaanan na ito ng mga sasakyan patungo sa bayan ng Sta. Cruz, Liliw at Nagcarlan.

Kabi-kabilang pagbaha naman ang napaulat sa lungsod ng Calamba  na naitala sa Bgy. Pansol at Bgy. Dos na kung saan karamihan sa mga residente ay umakyat sa bubong ng kanilang bahay.

Maraming bayan din sakop ng ika-apat na distrito ng Laguna ang lubog sa baha kung saan mara­ming residente ang agarang inilikas sa mga evacuation center.

Nagpalabas din ng abiso ang pamunuan ng National Power Corporation (NPC) Caliraya Dam sa bayan ng Cavinti sa pamunuan ng Municipal and Provincial Disaster Action Officers kaugnay ng isinagawang pagpapakawala ng tubig dahil sa umabot na sa 287.72 meters (AMSL) ang water reservoir level nito. DICK GARAY

444 thoughts on “HAGUPIT NI ULYSSES”

  1. 147182 917774Your talent is actually appreciated!! Thank you. You saved me a great deal of frustration. I switched from Joomla to Drupal to the WordPress platform and Ive fully embraced WordPress. Its so much easier and easier to tweak. Anyway, thanks again. Awesome domain! 972910

  2. Pingback: boldesibol
  3. Pingback: talkuo
  4. Pingback: 3narrate
  5. I’m not sure where you are getting your information, but great topic. I needs to spend some time learning much more or understanding more. Thanks for fantastic info I was looking for this information for my mission.|

  6. Hey, I think your blog might be having browser compatibility issues. When I look at your website in Firefox, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, terrific blog!|

  7. I’m not sure why but this website is loading incredibly slow for me. Is anyone else having this problem or is it a issue on my end? I’ll check back later on and see if the problem still exists.|

  8. We are a group of volunteers and starting a new scheme in our community. Your website offered us with valuable information to work on. You have done an impressive job and our whole community will be grateful to you.|

  9. Hi, i think that i saw you visited my website thus i came to “return the favor”.I am attempting to find things to improve my site!I suppose its ok to use a few of your ideas!!|

  10. I have been looking for articles on these topics for a long time. slotsite I don’t know how grateful you are for posting on this topic. Thank you for the numerous articles on this site, I will subscribe to those links in my bookmarks and visit them often. Have a nice day

Leave a Reply

Your email address will not be published.