NADAGDAGAN pa ang halaga ng pinsalang iniwan ni bagyong Usman.
Mula sa unang naiulat na P431 milyon, sumampa na ito mahigit P816 milyon.
Sa report ng DA Operations Center, humabol ang mga datos sa pinsala sa mais, palay, high value crops, mga alagang hayop at palaisdaan at live-stock, irrigation facilities sa mga probinsiya ng Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Northern Samar at Samar.
Umabot sa 40,075 ektarya ang sinalanta at apektado ang kabuhayan ng 36,902 na magsasaka at mangingisda.
Gayundin, 18,634 metric tons ang volume ng production loss sa palayan, maisan at mga high value crops.
Nagpadala na ang Department of Agriculture ng recovery operations team sa Bicol at Northern Samar para tulungan ang mga magsasaka na makabangon sa pananalanta ni bagyong Usman.
Kabilang sa gagawing recovery interventions ay ang agarang pamamahagi ng mga binhi at mga farm input.
Kritikal sa ngayon ang sitwasyon sa Bicol Region at Northern Samar kung kaya at kinakailangan na agad na muling makapagtanim ang mga magsasaka.
Inatasan din ni Piñol sa Philippine Crop Insurance Corp., na madaliin ang damage assessment at agad ibigay ang insurance payments sa mga apektadong magsasaka.
Pinaghahanda naman ang Agricultural Credit Policy Council para sa pagpapalabas ng survival and recovery loan funds.
Pinatitiyak naman sa National Food Authority (NFA) ang sapat na suplay at mura ang bigas sa merkado sa mga apektadong lugar.
Comments are closed.