SA kabila ng pagkakaroon ng kaso ng African Swine Fever sa Metro Manila, mahal pa rin ang presyo ng baboy sa ilang pangunahing palengke.
Batay sa monitoring ng Deparment of Agriculture, ang presyo ng liempo sa Pasay City Market at San Andres Market sa Maynila ay parehong nasa P240-P250 kada kilo.
Bahagya lamang bumaba ang presyo ng baboy sa Pasig City Mega Market na nasa P220-P250, Las Piñas market P235 at Marikina Public Market na P230-P250.
Pero kapansin-pansin ang ibinaba sa presyo ng baboy sa ilang pamilihan sa Quezon City na may dalawang barangay na nag-positibo sa ASF.
Ang presyo ng liempo sa Commonwealth Market ay nasa P190-P210 habang nasa P200-P240 ang pre-syo ng liempo sa Mega Market, habang nasa P230 kada kilo naman ang baboy sa Muñoz Market.
Comments are closed.