MAKATUTULONG sa pagpapababa ng presyo ng bigas ang pagkakaroon ng taripa ng P7 hanggang P8 kada kilo, pahayag kamakailan ng isang mambabatas na isinusulong ang taripa ng bigas.
Isang panukala na nagpapalagay ng taripa sa bigas sa import quotas ang idaraan sa botohan sa susunod na reading sa isang linggo, sabi ni House Agriculture and Food Committee Chairman Jose Panganiban, na kinatawan ng ANAC-IP partylist.
Ang kita mula sa taripa ay gagamitin para mapondohan ang subsidiya sa mga magsasaka, paliwanag ni Panganiban.
“‘Pag walang taripa, ang inangkat na bigas ay magkakahalaga ng P27 bawat kilo, mas mababa sa P34 hanggang P35 bawat kilo na halaga ng produksiyon ng local rice,” dagdag pa niya.
Isinusulong din ng economic managers ni Presidente Rodrigo Duterte ang taripa ng bigas para mapigilan ang inflation.
Comments are closed.