HALAGA NG BIGAS BABALIK SA NORMAL PAGSAPIT NG NOBYEMBRE

BIGAS

ASAHANG bababa rin ang presyo ng bigas pagsapit ng Nobyembre at Disyembre.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, tataas sa mga panahong ito ang supply ng bigas dahil sasabay sa pagda­ting ng mga inangkat na bigas ng pamahalaan ang anihan naman ng palay ng mga magsasaka.

Samantala, tinukoy naman ni Piñol na nasa mga trader at middleman ang problema kaya’t tumataas ang presyo.

Binigyang diin ni Piñol na hawak kasi ng mga negosyanteng ito ang supply at presyuhan ng bigas.

RICE SMUGGLING

Mayroong batas laban sa smuggling.

Ayon ito kay Rosendo So, Pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), kaya’t natawa na lamang siya sa pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa isinusulong niyang payagan na ang rice smuggling na aniya’y nasa ilalim ng kasong economic sabotage.

Sinabi ni So na ang dapat iniha­yag ni Piñol ay kumpiskahin ang mga smuggled rice, ibigay sa DSWD bago ibigay sa taumbayan o kaya naman ay kumpiskahin, ibenta at i-bid bago ibigay sa taumbayan.

“Mukhang hindi nag-aaral ang ating secretary, ‘yun ang problema hindi basta-basta ganu’n lang at sabihing i-legalize na lang ang smuggling,” ani So.

Comments are closed.