‘HALAL’ CERTIFICATION SA ISLAMIC COUNTRIES

HALAL

KAILANGAN nang patibayin ng Philippine exporters ang kanilang mga sertipikasyon sa  mga bansa sa Middle East dahil plano umano ng mga bansa na nasasakupan nito na kaila­ngan ang identification ng mga papasok na produkto ay as “halal” (permissible under Islamic law) o “non-halal”.

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Export Management Bureau (EMB) Director Senen Perlada na ang mga kompanya ng Filipinas na nagpapaangkat sa Islamic nations ay magkakaroon ng bentahe kung gagawin nila ang kanilang mga produkto at serbisyo na  “halal”-certified.

“There are certain Islamic countries that are planning to have exporters declare whether their products are ‘halal’ or non-‘halal’, and on that basis, they can have the basis of deciding if they will allow the entry of certain products or not,” sabi ni  Perlada.

“What is important for the Philippines is to have a more robust ‘halal’ certification and accreditation.”

Binanggit niya na ang  “halal” certification sa ibang bansa ay medyo komplikado. Ang isang Philippine exporter sa isang Islamic country ay dapat kumuha ng  “halal” certification mula sa isang certifying body na accredited ng Philippine Accreditation Bureau (PAB), na dapat ay kilala ng accredita-tion authority ng partikular na Islamic country.

Kaugnay nito, ang PAB at ang United Arab Emirates-Emirates Authority para sa Standardization and Metrology (UAE-ESMA) ay pumirma ng memorandum of understanding (MOU) para sa “halal” certification ng Philippine exporters sa UAE. Sa ilalim ng memorandum of understanding (MOU), ang “halal” certification bodies na binigyan ng akreditasyon ng PAB ay agad kikilalanin ng UAE.

Napansin din ni UAE-ESMA Director General Abdulla Abdelqader Al Maeeni na ang MOU sa PAB ay nakabawas din ng technical barriers para sa Filipino exporters na nakatutok sa UAE market.

“It will be free of any significant barriers. It will not be retested and will have no additional certification,” sabi niya.

Sinabi niya na ang “halal” certification scheme in UAE “ay nagiging international,” na nangangahulugan na ang  sertipikasyon galing sa UAE-ESMA ay kinikilala rin ng ibang bansa, na ang  “halal”-certified products ay puwedeng makapasok sa ibang bansa sa loob ng rehiyon. Dahil dito, magkakaroon ng bawas sa gastos sa pagpapaangkat sa Islamic countries.

Dati, nagbabayad sila sa ilang certificates, ngayon ang bayad ay para sa isang certificate na lang, sabi ng opisyal ng UAE-ESMA. Sinabi ni Perlada na ang pakikipag-partner sa UAE-ESMA, nakikita niya ang Filipinas ay magiging distribution hub para sa “halal”-certified export products and services sa mga kalapit na bansa sa Middle East.  PNA

Comments are closed.