CAMP CRAME – TINIYAK ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na aaksiyon sila laban sa mga nahalal na barangay officials na sangkot sa droga lalo na ang nasa narcolist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa press briefing kahapon sa National Election Monitoring Action Center (NEMAC) sa Camp Crame, sakaling ma-verify ng PDEA ang akusasyon sa barangay officials ay una nilang gagawin ay case buildup upang patunayan ang aligasyon.
Aniya, kapag mayroong matibay na ebidensiya ay kanila na itong pasusukuin sa ilalim ng Tokhang operations o pag-apela sa mga ito na sumurender na lamang.
Sakaling hindi sumuko subalit may matibay na ebidensiya ay maaari naman aniyang magkasa sila ng operasyon laban sa opisyal.
Kamakailan ay isinapubliko ng PDEA ang pangalan ng mga opisyal ng barangay na dawit umano sa droga para magsilbing gabay sa mga botante. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.