HALAL STANDARDS SA FOOD INDUSTRY TINAGUYOD NG DOST-CAVITE

CAVITE- PINANGUNAHAN ng DOST-Cavite ang isang seminar para sa kamalayan upang itaguyod ang pagtanggap ng mga pamantayan ng Halal sa industriya ng serbisyo sa pagkain.

Ang inisyatibong ito ay tugon sa patuloy na paglago ng sektor ng turismo ng lalawigan, na nag-hihikayat ng mga bisita mula sa iba’t ibang lugar, kabilang ang mga Muslim na manlalakbay, patungo sa mga makasaysayang lugar.

Nanguna sa nasabing pagsasanay sina Gng. Agnes G. Morales, Supervising SRS, at ng. Jasmin Hamid, Project Technical Specialist I na tinalakay ang kawalan ng mga establisyimentong halal-friendly sa Cavite, kahit na sikat ito bilang lugar na puntahan ng mga turista.

Layunin ng kasanayan na ito na magbigay kaalaman sa mga stakeholder tungkol sa mga pamantayan ng Halal.

Samantala, sa pamamagitan ng seminar ay nakakuha ang mga kalahok ng mahahalagang kaalaman sa kahalagahan ng mga praktis at gabay sa Halal. SID SAMANIEGO