MALAKI na ang nabago sa wangis ng kampanya kumpara noong dekada ’60 o ’80, lalo’t mayroon na tayong tinatawag na “new media” na ang tinutukoy naman ay ang mga social networking site na naging posible dahil sa internet.
Nagbago man ang wangis ay sa tao pa rin ang tuloy ng mga mensahe, kaya hindi sapat ang dunong sa teknolohiya, hindi sapat ang koneksiyon sa media, hindi sapat ang milyon-milyong pisong salapi upang ipantustos sa mga mamahaling advertising cam-paign. Babalik at babalik pa rin tayo sa mensahe at take note, ang millenial na tinatawag o ang mga edad 18 hanggang 35 ay higit lalong mapanuri, samantalang ang mga edad 36 pataas naman ay nakasusumpong na ng political maturity dahil sa ilang eleksiyon na nagdaan kung saan sila naging saksi sa gawi ng mga kandidato at politiko.
Masasabi ko lang na mas matatalino ang mga botante ngayon, ngunit nanatiling mga pangunahin pa rin ang mga pangangailangan.
Hinihimok natin ang ating mga kababayan na mas maging mapagmatyag at alerto, dahil may mga puwersa ng demonyo na nais baluktutin ang magiging hatol ng bayan.
Ang mga makina ng Comelec sa mga embahada para sa absentee voting ay mga nakatago sa silid samantalang ongoing na ang halalan.
Ang 17 regional hub ng Comelec ay nanatiling lihim kaya hindi makapag-mobilize ang mga partido at kandidato ng mga magbabantay.
May mga balota na may shade na ang mga pangalan ng kandidato na makikita sa pamamagitan ng UV light.
May mga napaulat na bumoto ng labindalawang kandidato ngunit sampu lamang ang lumabas.
Ang mga transmission code ng lahat ng canvassing system ay nanatili ring inililihim ng Comelec kaya walang kasiguruhan na hindi makokompromiso ang boto ng mga bayan at mga siyudad.
Sama-sama nating bantayan ang Comelec, Smartmatic at mga elementong nais sumabotahe sa ating sagradong karapatan.
Comments are closed.