HALAMAN AT HAYOP NA BAWAL KOLEKTAHIN O HULIHIN PINATUTUKOY

Cynthia Villar

PINAGSUSUMITE  ng mga senador ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng bagong listahan ng mga halaman at hayop na nanganganib nang maubos.

Sa gitna ito ng pagtalakay  sa plenary session ng panukalang pag-amyenda sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act o Republic Act 9147.

Ayon kay Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Environment, layunin ng panukala na palakasin ang kapangyarihan ng gobyerno para masawata ang trafficking o ilegal na pagbebenta ng mga endangered species sa bansa.

Nais ni Vilar na tukuyin sa dumarami ngayong plantito at plantita kung endangered na ang binibili nilang halaman at kung magkakaroon ba ng parusa ang pag-aalaga nito.

Kinewstiyon din kung ano ang mangyayari kapag naisabatas ang panukala at nakasama sa ipagbabawal ang mga mamahaling halaman na matagal nang nabili at kinokolekta.

Naging kuwestiyon din kung may exemption para sa mga katutubo sa lugar kung saan naroon ang endangered species.

Sa pamamagitan ni Villar, sinabi ng DENR na mayroon na silang listahan ng mga hayop na bawal hulihin at mga halaman na bawal kolektahin at gawing negosyo.

Kanila ring tutukuyin  ang mga critically endangered, endangered, endemic, at vulnerable.