Halos pareho raw ng istorya sa buhay ang magkapatid na Jay at Julius Manalo.
Nahiwalay raw si Jay sa inang Vietnamese na si Kim Lan Jones noong six years old siya, habang si Julius naman ay nahiwalay rin sa inang Korean na si Oh Geum Nim sa parehong edad.
Miyembro raw kasi ng banda at bass player ang ama nila na si Eustaquio Manalo Jr.
“I am very happy na nagkita na rin sila ng nanay niya,” ani Jay.
Isang police officer si Julius sa Manila Police District at dating player ng Maharlika Pilipinas Basketball League, kung saan naglaro siya para sa mga koponang Valenzuela Classics at Manila Stars.
Sa loob ng tatlumpu’t isang (31) taon, hindi nakita ni Julius ang kanyang ina.
Matagal na nangulila si Julius sa kanyang ina kaya hindi siya tumigil sa paghahanap dito.
Noong nakaraang buwan, nagtagpo sila sa South Korea. At least, happy ending pala.
RLVN