HALINA SA CEBU

Kung namasyal kayo sa Cebu noong panahon ng Sinulog Festival, sana, maisipan din ninyong puntahan ang iba pang magagandang lugar dito. Heto ang ilang top attractions sa Cebu.

Kawasan Falls  Sikat sa napakandang asul na tubig – Blue Lagoon talaga – ang Kawasan Falls ay matatagpuan sa paanan ng Mantalongon Mountain Range, halos isang kilometro mula sa national road ng Badian, at halos apat na oras na lakarin mula sa Osmeña Peak of Dalaguete. Pero sulit naman ang pagod ninyo kapag nakarating na kayo dito.

Oslob – makilangoy sa mga whale sharks

Makikita ang Oslob sa dulong bahagi ng southern Cebu. Isa itong maliit na coastal town pero naging napakasikat dahil sa mga whale sharks na naglipana dito, ang pinakamalaking isda sa buong mundo, na kilala rin sa katawagang butanding o tuki.

Simala Shrine – malakastil­yong simbahan

Isa ito sa pinakamagandang simbahan sa buong Cebu. Ang Simala Shrine ay lugar para sa mga mananampalataya. Naririto ang imahe ng Mahal na Birheng Maria, at kilala ang simbahan na Miraculous Mother Mary Church. Ang nasabing imahe ay nakita umanong umiiyak, kaya nakatawah ng pansin ng libo-libong mananampalataya, na umaasang mapagbibigyan ang kanilang mga ipinapanalangin.

Pescador Island – luma­ngoy kasabay ng milyun-milyong tawilis

Tinawag itong Pescador         Island mula sa Spanish word na pez o isda sa Tagalog. Matatagpuan ang islang ito sa coast of Moalboal sa Southern Cebu. Sikat ito sa mayamang marine ecosystem kung saan pwedeng lumangoy, mag-dive at mag-snorkeling.

Sirao Flower Garden – The Netherlands of Cebu

Kilala ang Sirao Garden sa celosias, na mukhang naglalagablab na apoy, na kadalasang pula at dilaw ang kulay. Kinuha ang pangalan nito sa Greek word na ang kahulugan ay “burning” o lagablab. Bago pa nagbukas ang ibang flower gardens opened na celosias ang atraksyon, nauna na ang Sirao Garden sa mga bulaklak na ito. Kapag maraming namumukadkad na bulaklak, parang nag-aapoy ang paligid.

Malapascua Island – kagila-gilalas na marine life

Sa northern part naman ng Cebu, may isang nangungunang ecotourism destination dahil sa kakaiba nitong offer: diving with thresher sharks. Sa buong mundo, sa Malapascua Island lamang pwedeng makipagsabayan sa mga thresher sharks araw-araw, sa kanilang natural habitat, huwag lamang kung bumabagyo.