Ang luyang-dilaw ay isang uri ng halamang kahawig ng luya — kaya nga ito tinawag na luyang dilaw. Ginagamit ito bilang pangkulay ng tela at pagkain. Mula ito sa pamiyla ng luya na Zingiberaceae. Ito ay katutubo sa mga tropikal na bansa saTimog Asya at nangangailangan ng temperaturang mula 20°C hanggang 30°C, at maraming ulan upang yumabong.
Syempre, kilala ito ng mga Filipino noon at ngayon. Ngayon nga lang, turmeric na ang tawag nila, pero pareho pa rin po iyon ng luyang dilaw,
Gamot ito sa lagnat dahil mayroon itong anti-inflamatory properties.
Kung madalas makaranas ng menstrual cramps ang babae, pagsamahin ang sampalok at luyang dilaw. Binabawasan ng curcumin sa turmeric ang inflow ng mga calcium ions sa uterine epithelial cells at pinaliit ang produksyon ng mga prostaglandin, mga hormone na dahilan ng sakit. Tumutulong din ito sa mga non-steroidal na gamot, tulad ng mefenamic acid.
Pinalalakas nito ang reaksyon ng tannin, saponin, sesquiterpenes, alkaloids, at phlebotomine sa sampalok. Mayaman sa Antioxidants, ang luyang dilaw at sampalok ay pantay na mahusay na mapagkukunan ng mga antioxidant dahil mayroon itong curcumin compound. May therapeutic effect itong nauugnay sa antioxidant content nito. Bukod dito, may phytochemical din itong binubuo ng phenolic antioxidant compound na mabuti sa katawan.
Believe it or not, pwede rin itong pampapayat. Pinipigilan ng curcumin ang inflammatory response sa mga selula ng katawan, kabilang ang pancreatic, fat, at muscle cells. Ito ang dahilan kaya nababawasan ang insulin resistance. Pinabababa nito ang blood sugar at cholesterol level, at labanan ang iba pang metabolic na kondisyon na dulot ng labis na katabaan. Binabawasan ng curcumin ang paglaki ng mga fat tissue kaya nakakaiwas sa katabaan.
Kung wala kang gaanong sakit, matututukan ng luyang dilaw ang pagpapapayat.
May ulat ring nakakatulong ang turmeric sa mga taong may diabetes. Wala pang side effects sa katawan.
Kung tutuusin, karaniwang sangkap ang luyang dilaw sa maraming lutuing Pilipino tulad ng adobong dilaw, pesang dalag, chicken curry, ginataang igat at iba pa. Kung ulam, walang problema. Pero kung gagamitin itong herbal medicine, komunsulta muna sa duktor lalo na kung mayroon kayong ibang gamot na iniinom. Baka kasi mayroong contra-indications.
By the way, hindi pamalit ang luyang dilaw sa gamot na reseta ng duktor.
JAYZL V. NEBRE