MAY 10,816 law graduates ang kukuha ng 2023 online and regionalized Bar examinations simulation ngayon, Setyembre 17 at sa 20, at 24 sa 14 local testing centers (LTCs) nationwide.
Base sa impormasyon mula sa Supreme Court Public Information Office, sa naturang bilang at 5,832 ang first takers at 4,984 ang second takers.
Ang exam centers sa Metro Manila ay sa San Beda University, Manila; University of Santo Tomas, Manila; SBCA; University of the Philippines, Quezon City; Manila Adventist College, Pasay City; at University of the Philippines, Bonifacio Global City.
Sa Saint Louis University sa Baguio City; Cagayan State University, Tuguegarao City; at University of Nueva Caceres, Naga City sa Luzon.
Sa Visayas isasagawa ito sa University of San Jose-Recoletos sa Cebu City, University of San Carlos also sa Cebu City, at Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation sa Tacloban City.
Sa Mindanao ay sa Ateneo de Davao University sa Davao City at sa Xavier University sa Cagayan de Oro City.
Ang San Beda College Alabang (SBCA) sa Muntinlupa City ang magsisilbing national headquarters ng Korte Suprema para sa Bar examinations.
Ngayon 2023 Bar exams ang committee chairperson ay si Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando.
May anim na core subjects sa eksaminasyon kabilang ang Political and Public International Law, 15%; Commercial and Taxation Laws, 20%; Labor Law and Social Legislation, 10%; Criminal Law, 10%; at Remedial Law, Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises, 25%.
MA. LUISA GARCIA