HALOS 12M ePHILIDs, NAISYU NA NG PSA

UMAABOT na sa halos 12 milyon ang digital version ng national ID, o ePhilID ang naisyu na ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Philippine Identification System registry office officer-in-charge Fred Sollesta, target nilang mailunsad na ang downloadable version ng ePhilID, bago matapos ang taon.

“We have already pregenerated 21.75 million ePhilIDS. So far, we have distributed or issued close to 12 million, actually 11.9, and we are poised to achieve 13 million ePhilID issuance by the end of the year,” ani Sollesta isang sa panayam.

“Hopefully, we can launch the downloadable version by the end of the year and doing full blast for the downloadable version starting January next year,” aniya pa.

Ang ePhilID ay bahagi ng proactive strategy ng PSA upang mapahintulutan ang agarang paggamit sa PhilSys, bilang valid proof of identity at edad ng isang indibidwal, subject sa authentication.

Idinisenyo ito na mayroong functionality at validity gaya ng sa physical card.

Magsisilbi ito bilang temporary national ID, habang nakabinbin pa ang issuance ng physical card.

Kikilalanin rin ito bilang government-issued ID at tatanggapin sa lahat ng mga government agencies at private establishments para sa mga transaksiyong nangangailangan ng proof of identity o edad.

Kaugnay nito, tiniyak ng PSA na iniimbestigahan na nila ang mga ulat na mayroong depektibong ePhilIDs, upang matukoy kung may kinalaman ito sa batch printing. EVELYN GARCIA