MAYNILA – NILINAW ni Labor Secretary Silvestre Bello III na P20,000 lamang ang matatanggap ng 1,470 overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho nang magsara ang pinapasukang kompanya sa Saudi Arabia.
“Ang maibibigay lang ng OWWA (Overseas Workers’ Welfare Administration) ay P20,000 cash assistance,” ayon kay Bello
Dagdag pa ng kalihim, nakikipag-ugnayan na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Saudi Ministry of Labor upang matiyak na ang mga apektadong OFW ay matatanggap ang kanilang anim na buwang suweldo.
Maging ang labor attaches ng Filipinas ay nakikipag-usap na rin sa mga opisyal ng Azmeel Contracting Corporation at mayroon nang naunang kasunduan.
Umaasa rin ang mga opisyal ng DOLE na tutuparin ng kompanya ang napagkasunduan na kada linggo ay magpapauwi sila ng sampung OFWs makaraang kanilang mabayaran ang mga ito.
“Nagkaroon ng violent protest ng workers pero hindi kasama ang ating mga kababayan doon sa violent protest,” ayon pa kay Bello. EUNICE C.
Comments are closed.