NAKATANGGAP ng pagbatikos mula sa mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si House Speaker Lord Allan Velasco dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa Makabayan bloc sa isyu ng red-tagging.
Ito ay sa harap na rin ng naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa naging engkuwetro ng militar sa komunistang grupo kung saan napatay ang bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Culliamat na si Jevilyn ay napatunayan na may basehan ang kanilang matagal nang sinasabi na ang Makabayan Bloc ay sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
“Actually dahil sa nangyari ngayon, anak pa ng congresswoman na Makabayan ‘yung namatay, ‘yung red-tagging namin ay may basis. May basis na sila ay sumusuporta, ‘yung Makabayan, sinusuportahan nila itong CPP-NPA at saka ‘yung tinatawag na armed struggle ng NPA,” paliwanag ni Lorenzana.
Sa mga kaalyado ni Pangulong Duterte ay tanging si Velasco ang umalma sa red-tagging issue sa Makabayan Bloc kung saan sinabi nitong walang sapat na ebidensiya laban sa mga progressive solon at pinaalalahanan pa nito si Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na mag-ingat sa kanyang mga akusasyon na walang basehan.
“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations. General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence. These lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated is uncalled for,” nauna nang pagtatangol ni Velasco.
Hamon ng DDS na si Mark Lopez kay Velasco, ngayong napatunayang may basehan ang red-tagging sa mga progressive solon at mismong si Pangulong Duterte muli ang nagsabing front organization ng CPP-NPA-NDF ang Makabayan Bloc sa Kamara ay magsagawa na ito ng imbestigasyon.
“Take the cue and initiate expulsion proceedings na. It’s ok if your move will be challenged along the way, ang importante, you did your part in our effort to rid our society of this long standing menace,” pahayag ni Lopez.
Giit ng DDS, bilang lider ng Kamara ay dapat umanong umaksiyon si Velasco sa napatunayang may basehan na red-tagging sa mga kasapi ng Makabayan Bloc.
Naniniwala ang mga supporter ni Pangulong Duterte na may hurisdiksiyon ang Kamara para mapatalsik ang Makabayan bloc subalit nangangailangan ito ng inisyatibo mula kay Velasco. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.