Gagawing lahat ni Education Secretary Sonny Angara ang lahat ng paraan upang magkaroon ng mas malakas na educational planning ang bansa upang maestablisa ang pagkatuto sa gitna ng mga kalamidad na nakaaabala sa pagkatuto ng mga batang Filipino.
“Our planning systems must adapt—and adapt quickly—to our new reality. Our education systems must be stable and predictable even in times of emergency,” ani Angara.
Aniya, sunud-sunod ang malalakas na bagyong dumadalaw sa Pilipinas na nakaaabala sa pag-aaral kaya kailangang tutukan ang sistema upang hindi sila maabala. Kailangan umanong mabilis na maka-adapt ang educational systems upang masigurong tuloy-tuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Nagsisimula na umano ang Department of Education (DepEd) na gumawa ng mga adaptable programs para sa resource-constrained schools kahit pa tumama na naman ang malalakas na bagyo, lindol o pagputok ng bulkan — mga kalamidad na hindi maiiwasan sa Pilipinas.
“Even before the storms hit, we were already in search of an alternative program that can be adapted to resource-strapped schools. Our rationale was clear: Filipino learners—our region’s learners—cannot endure any more losses,” pagdidiin ni Angara.
Inilunsad na ng DepEd ang Dynamic Learning Program (DLP) upang suportahan ang education continuity sa mga paaralang tinamaan ng bagyong Kristine at Leon sa pamamagitan ng pagsusulong ng independent and resource-efficient learning sa panahon ng krisis.
Nakipagkaisa umano sila sa mga kalapit na bansa upang makalikha ng mga estratehiya upang maging mas accessible at responsive ang pagkatuto sa gitna ng mga hinaharap nating hamon.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE