HAMON NG RESOLUSYON

May Trabaho logo

HAPPY New Year! Here’s wishing for a better 2021 for all of us in Jesus name 🙂

Tama, nalampasan na nga natin ang 2020, at nagsisimula na ang ating biyaheng 2021. Ano nga ba ang common sa New Year? Bukod siyempre sa tayo ay naghanda, kumain, nag-online to be with our families para salubungin ang pagpasok ng bagong taon together, sa gitna ng pandemya, marami pa rin sa atin ang nagtiyaga na gumawa ng New Year’s Resolution.

At hindi naMan na bago sa atin ito, bahagi na ito ng ating kultura, pero bago tayo tumuloy sa ating tatalakayin, importanteng maunawaan natin, ano ba ang ibig sabihin ng resolution?

Ang resolution daw po is the firm decision to do or not to do something, ito ‘yung desisyon na gawin or hindi gawin ang isang bagay. Kaya sa ating pagsusulat o sa ating pagdedesisyon na gumawa ng resolution, mayroon ho kaming mahalagang mga paalala. At iyan ang ating tampok sa ating trabaho tips this week.

Nasubukan n’yo na bang magkaroon ng New Year’s Resolution? Ang usual daw po na nag-a-appear sa ating mga resolution ay: losing weight, spending less and saving more, more time with family at iba pa, ang tanong, mayroon na ba naman tayong natupad sa mga ito? ‘Yung masaya tayo kasi alam natin na nagawa talaga natin nang totohanan? Marami kasi ang nagsasabi na dapat ay huwag nang gumawa ng New Year’s Resolution dahil hindi rin naman daw ito natutupad. Pero alam  ba ninyo ang dahilan bakit tayo gumagawa ng resolution?

Ang paggawa ng resolution  ay ang pagkilala ng mga katangian natin na kailangan nating baguhin o kaya naman ay pag-igihan pa. It is recognizing that something has to be changed. At kung may nais man tayong baguhin, hindi ba ‘yun naman ay ang mga hindi kagandahang katangian o bagay sa ating buhay? Kaya safe pong sabihin, na kung may naiisip man po tayong resolution sa taong ito, ito ay isang pangako na ginagawa natin sa ating sarili para sa ating ikabubuti, kaya hindi natin dapat katakutang gawin ito at pagsumikapang tuparin dahil ito pala ay makabubuti sa atin.

Pero bago natin pag-usapan kung paano natin gagawin ang ating resolution, may ilang bagay tayong dapat na maunawaan sa ating paggawa nito.

1. Maging maliwanag sa atin ang ating motibo sa pagkakaroon ng resolution. Halimbawa, gusto nating magbawas ng timbang, para saan at gusto nating gawin ito? Maging tapat tayo sa ating sarili, gusto ba nating gawin ito para lamang makapagpa-impress sa iba, magsuot ng mas seksing mga damit, o para mas maging malusog ang ating katawan at makaiwas sa mga sakit? Mahalagang maging maliwanag sa motibo dahil ito ang siyang magtutulak sa atin para gawin ang mga resolutions natin, at mas mahalaga na maging tama ang ating puso sa pagsasagawa nito.

2. Gawin lamang kung ito ay mabuti. Pagkatapos nating maunawaan ang ating motibo, ipagpatuloy lamang ito kung ito ay tunay na makabubuti, hindi lamang sa atin kundi para na rin sa mga taong nakapaligid sa atin. Hindi maaaring magbunga ng mabuti ang masama, kaya kung tayo ay motivated ng negatibong bagay, hindi makabubuti kung ipagpapatuloy nating gawin ito. Ngunit kung tama ang ating rason, then, ipagpatuloy nating gawin ang nais nating simulan.

3. Hindi ito tungkol lamang sa New Year. Kung tutuusin hindi lang naman sa New Year tayo puwedeng gumawa ng mga pagbabago, puwede nating gawin ang pagbabago, sa bawat araw ng ating buhay, naging kultura na nga lamang din na gawin ito sa New Year upang makasabay sa panibagong taon, gayunpaman, maging maliwanag sa atin na sa kahit anumang araw ng taon, ay puwede tayong magsagawa ng pagbabago lalo na kung hinihingi ng pagkakataon.

4. Focus on the positive. Kapag nagbibigay tayo ng instruction sa mga bata, dapat laging positively expressed, ibig sabihin mas mabuting sabihin sa bata na: “Maglakad nang dahan-dahan” kaysa, “Huwag kang tatakbo!” Ganoon din naman sa ating mga resolution, mas maiging masabi natin ito sa positibong paraan, halimbawa: “Kakain na ako ng masusustansiyang pagkain.” kaysa, “Hindi na ako kakain ng chocolates at mga sweets.” O kaya naman, kung hindi natin makontrol ang ating paggasta, puwede nating sabihin sa ating sarili na hindi naman tayo nagtitipid, natutunan na nga lamang natin alamin ano ang pangangailangan sa gusto lang, ‘di ba po?

5. Huwag biglain ang sarili. “Practice makes permanent” dahan-dahan lang hanggang sa maging permanente, sabi nga, ‘di ba, you cannot change overnight, so hinay-hinay hanggng sa makasanayan na natin, kaysa biglain ang sarili at bigla ring babalik ang dati nating mga gawi.

6. Maging accountable sa isang tao. Hindi natin kailangang ipalathala sa diyaryo ang resolution natin, kailangan lang at least one of your best friends ang makaalam nito para maging accountable ka sa kanya at sa iyong sarili lamang. Huwag mong sarilinin lang ito, kasi wala nang ibang magpapaalala sa iyo kapag nakalimot ka na.

7. Give yourself feedback. Huwag kalilimutang purihin ang iyong sarili sa bawat achievement na magagawa mo, kahit gaano pa kaliit ito.

Maliwanag na ho ba? Ok, narito na ang ating mga pointers sa paggawa ng ating New Years resolution. Tandaan ang salitang smart.

S – pecific. Halimbawa, ang goal natin is magbawas ng timbang, identify ilang pounds ang gusto nating mabawas, ano ang gagawin natin para mabawasan ang ating timbang, at kung ilang beses natin itong gagawin sa isang linggo, halimbawa, kailangang mag-loose ako ng at least 2 pounds per week kaya magwo-walking ako every Wednesday and Friday for 30 minutes pagkagising ko. Be specific.

M-easurable. Kung ang goal natin is mabayaran ang ating mga loans this year, tingnan natin ang ating kapasidad, magkano ba sa kinikita ko ang puwede kong i-set aside to pay off? Kaya ko ba kaya kung dadagdagan ko ng at least another 10% ang ibabayad ko sa loan? Mga ilang buwan kaya ang bubunuin ko para ma-fully paid na ako? This way, alam natin kung kailangan nating mas maghigpit sa budget.

A-ttainable. Kung ang goal natin is to have our own house and lot this year pero hindi sapat ang ating ipon para sa house and lot, at alam natin na wala rin naman tayong inaasahang extra to pursue it, then we might as well consider, ano ba ang puwede muna sa mayroon ako? Possible kaya na lote na lang muna?

R -ealistic. ‘Wag tayong magplano ng isang bagay na kasing layo ng buwan at mga bituin ang kaganapan. Like, kung gusto nating ma-promote tayo sa ating trabaho, one or two higher steps na posisyon puwede nating i-work out. Alamin natin ano ang nire-require for it and let us start working on it. Pero ‘wag tayong magplano  to get  the position na alam nating milya-milya ang layo sa realidad na makukuha ito dahil hindi akma ang ating credentials doon sa posisyon na iyon. Let us be realistic.

T -imeline. Dapat time-bound ang ating mga resolutions. Bigyan natin ng deadline ang ating mga sarili to accomplish it. Kasi kung open ended ang ating gagawin, baka natapos na ang 2021 at lahat, ang sinasabi pa rin natin sa ating sarili ay bukas na lang o kaya, saka na..

Ayan, sana po ay makatulong sa inyo ang mga panukalang iyan, mga kamangagawa. And yes 2021 na, dagdag taon na naman sa aking edad dahil birth month ko po ang January, pero lubos akong nagpapasalamat sa Diyos na pare-pareho nating nalagpasan ang 2020 at umabot tayo sa 2021, may panibagong pagkakataon upang makapagsimula nang tama. A blessed 2021 everyone!

2 Corinthians 5:17

Therefore, if anyone is in Christ, the new creation has come: The old has gone, the new is here! John 3:16 16 For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.



Si Glady Mabini ay isang Broadcast Journalist at Motivational Speaker na may iba’t ibang programa sa Radyo. Ang mga programang ito ay puwede rin ninyong masundan sa kanyang YouTube Channel na Glady Mabini. Para sa mga paksa na gusto ninyong kanyang matalakay sa kolum na ito, ipadala lamang sa kanyang official FB page: ­Glady Mabini.

Comments are closed.