(Hamon ni Ramirez sa PH SEAG-bound athletes) “MAKE THE COUNTRY PROUD”

Chairman William Ramirez

DAHIL gusto niyang makuha ang tagumpay sa una niyang pagganap bilang Chief of Mission, hinamon ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga Pinoy na ga­win ang lahat at pili­ting manalo sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Ramirez, ang mga atleta bilang national athletes at ambassador of sports ay may moral obligation sa bansa at kanilang mga kababa­yan na maglaro nang husto at gamitin ang lahat ng kanilang karanasan para makuha ang tagumpay.

“Laging ilagay sa isipan at tatagan ang pakikipaglaban hanggang makamit ang tagumpay. This is the opportune time to prove your worth in the SEA Games and make the country proud,”sabi ni Ramirez.

“My ferventwish is to win the overall championship. The only way to realize the dream isto play superior, with determination, resiliency and  fire and intensity,” anang PSC chief.

Nauna nang hinamon ni Ramirez, sa isang pagtitipon sa Philsports , ang mga atleta, kasamaang mga coach at pinuno ng National Sports Associations (NSAs) na ipakita ang kanilang natatanging galing sa kanilang pet events.

“Your success is also their success. Please do not fail them,” paalala ni Ramirez sa mga atleta na sasabak sa 56 sports sa 11-nation biennial meet,

Inatasan ni Ramirez ang kanyang deputies na i-monitor ang training at  preparation ng mga atleta at alamin ang kanilang physical at mentalcondition para masiguro ang kanilang tagumpay.

“Iinstructed them to give me day-to-day update of their training and preparation to ensure the success of their campaign,” aniya,

Solido ang suporta kay Ramirez nina PSC Commissioners Dr. Celia Kiram, Arnold Agustin, Ramon Fernandez at Charles Maxey, at mga department head. CLYDE MARIANO

One thought on “(Hamon ni Ramirez sa PH SEAG-bound athletes) “MAKE THE COUNTRY PROUD””

Comments are closed.