HAMON SA UN

MASAlamin

KUNG totohanan lamang sana ang intensiyon ng United Nations at ng Human Rights Council na tumulong sa Filipinas ay maaari silang magbigay ng pondo at donasyon sa pagpapatayo ng kahit isang libong rehab center sa bansa upang masimulan na ang panggagamot sa daan-daang libong mga sumu-kong drug addict.

Kapag ginawa ito ng UN at HRC, malamang ay lalabas na rin at susuko ang milyon pang mga drug addict na mahihikayat ng tulong na ito. Hindi makukuha sa puro satsat ang pagtulong sa bansa, nararapat na pondohan nila ang nais nila. Gusto nilang mawala ang droga sa Filipinas nang wala nang pinapatay, e ‘di mag-donate sila ng kahit 1,000 rehab centers.

Tunay na mapanganib ang lansangan sa mga adik at tulak, dahil na rin sa mga dilaw na sumasakay sa paglilinis ng ating lipunan sa pamamagitan ng pananabotahe sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

Kaysa tuligsain ang ginagawa ng administrasyon upang mailigtas ang bansa sa bingit ng pagiging bansa ng mga zombie, malinaw na mas makatutu-long din ang UN sa pagbibigay ng mga donasyong nabanggit o kaya ay sila mismo ang magtayo, gamit ang sariling puwersa upang mag-construct ng mga pasilidad para sa rehab ng mga kababayang adik sa shabu kaysa mag-party magdamag ang mga UN staff sa mga bansa kung saan sila naka-deploy.

Masyado kasing nasanay ang mga executive ng UN sa pagpa-party magdamag gamit ang pondong bilyon-bilyong dolyar kaya marahil nakakalimutan nila na mas may katotohanan na magtayo sila ng mga rehab center sa Filipinas.

Kung kaya nilang gawin sana ang isang libong rehab center sa loob ng dalawang taon, mas magiging kapani-paniwala na tunay na may malasakit sila sa mga Filipino.

Halina, UN, tara na tulungan ang Filipinas na makatayo mula sa pagkakalugmok sa adiksiyon, halika, UN, sama ka na sa kampanyang maisaayos ang aming bansa at masi­guro na makabiyaya ang kinabukasang hinaharap ng aming bansa.

Siyanga pala, pakisilip nga itong libo-libong mga organ na hinahango sa mga katawan ng libo-libong mga bata sa Syria. ‘Yan ay hindi lamang human rights violation kundi demonic crime against humanity na ang nakikinabang ay mga sindikato at mga mayayamang naghahanap ng mga organ na ipapalit sa kanilang dispalinghado nang pangangatawan.

Magpakatotoo ka naman UN, mahalin mo ang mga Filipino at kami naman ay pagsilbihan ng makatotohanan, halina at ipagtayo ang Filipinas ng isang libong drug rehab center at kami ay tunay na maniniwala na sa iyong pandaigdigang organi­sasyon.

Kapag kasi nagawa ito ng UN, tuloy-tuloy na makauusad na ang bansa sa tunay na pagbabago at pag-asenso, makasasabay na ang Filipinas sa asenso sa komunidad ng mga bansa. At maaaring sa susunod, ang Filipinas naman ang makatutulong sa iba’t ibang bansa na nanga­ngailangan ng ayuda.

Comments are closed.