(Hanap ni Duterte) PNP CHIEF NA PAPATAY  SA DRUG LORDS

DUTERTE-40

ANG hinahanap ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP)  ay yaong kayang patayin ang lahat ng drug lords sa bansa.

Ito ang mahigpit na kuwalipikasyon  ng Pa­ngulo sa  susunod na hepe ng PNP.

Ayon sa Pangulo, kapag mayroong isang pulis na magbibigay sa kanya na papatayin ang lahat ng drug lords ay ito ang kanyang itatalagang papalit sa nagretirong PNP chief Oscar Alba­yalde.

“Hirap ako sa pulis. Mahal ko ‘yung mga pulis ko pero hirap ako sa mga official. I mean they’re all good but I want a better deal. It’s not enough that you recommend to me,” sabi ng Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, hindi sapat ang rekomendasyon lamang para sa itatalagang kapalit ni Albayalde.

“Kung sabihin, ‘Sir ‘pag akong pinili mo patay lahat ang drug lords, patay lahat.’ Okay, ikaw.  If you cannot give me that guarantee, ay huwag na,” dagdag pa ni Pangulo.

Kabilang sa mga pinagpipilian na susunod na PNP chief ay sina PNP officer-in-charge Lt. Gen Archief Francisco Gamboa, Lt. Gen. Camilo Cascolan at Maj. Gen. Guillermo Eleazar. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.