Ayon sa Alamat, hindi pa man tayo isinisilang ay may nakatakda na upang ating mahalin. May invisible red cord daw na nagdurugtong sa dalawang nakatakdang magmahalan, at nalalagot lamang ito kapag namatay ang itinakda o kaya naman ay nagkatagpo sila ngunit piniling iwan ang isa’t isa sa kung anumang dahilan. Kapag nangyari yon, sino man sa kanila ay habanmbuhay na hindi lubusang magiging maligaya. Iyon ay ayon sa alam ng China.
Bago ang lahat, kilalanin muna natin ang mga divine matchmaker sa Chinese mythology na tumutulong upang hanapin ang tunay mong pag-ibig. Una, si Yuelao, ang matandang lalaking nakatira sa buwan, at si Tu’er Shen o Tu Shen, ang Rabbit God.
Si Yuelao ang may hawak ng gintong aklat kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga itinakdang magkatuluyan sa buong mundo. In other words, siya ang kupido sa Chinese mythology.
Siya lamang ang may kapangyarihang magsulat o magbura ng pangalan sa nasabing aklat, lalo na kung namatay ang isa sa magpartner. Babae at lalaki lamang ang pinagpapartner ni Yuelao.
Samantala, si Tu Shen, ang Rabbit God, ang diyos ng same-sex couples. At take note, same sex na lalaki lamang ang kanyang binibiyayaan ng pag-ibig. Hindi kasali ang same sex na babae.
Tinatawag din si Tu Shen na Kunehong Diyos na siyang literal meaning Tu Shen pinyin, u’er Shen sa Fukien, at Ta Yeh, The Master.
Sa kwento noong 17th century, isang sundalong nangngangalang Fujian ang nagmahal sa kanyang provincial official, kaya lagi niya itong sinusundan lalo na kung maliligo sa ilog upang mamasdan ang kanyang kahubaran. Ngunit nahuli siya kaya ipinapatay siya ng opisyal. Ngunit nagbalik siya sa lupa sa katauhang kuneho, na nalaman din ng lahat matapos siyang magpakita sa panaginip sa isang nakatatanda. Hiningi niya ditong ipagpatayo siya ng templo, at mula noon at siya na ang naging diyos na si Tu Shen.
Batay sa kaugalian sa Fujian province, tinatanggap ang relasyong lalaki sa lalaki. Ang sino mang male couple ay pwedeng magtungo sa templo su Tu Shen upang mabendisyunan ang kanilang relasyon.
Batay sa kasaysayan, nagsimula ang pagkilala kay Tu Shen sa pagbubukas ng Ming Dynasty (1644-1911), kung saan halos lahat ng bahay ay may rebulto ng Rabbit God na siya umanong nagbibigay ng swerte. Nag-aalay sila dito tuwing Miid-autumn Festival.
May tatlong holidays and cultural traditions sa China na nakasentro sa romantic love. Una na rito ang Valentine’s Day na ipinagdiriwang sa February 14.
Ayon sa kanilang paniniwala, ang dahilan kung bakit nagkakatuluyan ang babae at lalaki ay dahil kay Yuexia Laoren or Yuelao for short – ang Old Man Under the Moon – na pinaniniwalang isang divine match,aker.
Karaniwan sa China ang pre-arranged marriage, kung saan ang mga magulang ang namimili ng magiging asawa ng kanilang mga anak, kaya hindi na kailangang nagmamahalan ang mag-asawa.
Hindi pwedeng tumanggi ang mga anak kaya nagdarasal silang sana ay ibigay ni Yuelao ang lalaking magmamahal sa kanila ng totoo. Nag-aalay sila sa kanilang mga tahanan sa isang altar para kay Yuelao o kaya naman ay bumibisita sila sa templo ng nasabing Divine Matchmaker.
Kinikilala rin sina “Weaving Maiden” at “Moon Goddess,” sa Chinese mythology na nagbibigay ng swerte sap ag-ibig, ngunit si Old Man Under the Moon ang pinaka popular na Diyos ng kasal at pagmamahalan.
Ngunit anuman ang kanilang kapangyarihan, lahat ng ito ay hindi na pinaniniwalaan sa makabagong panahon. Napapag-usapan lamang ito sa ndgayon, dahil February, at leap year pa. sinasabing ang February ang pinakatamang buwan upang maghanap ng tunay na pag-ibig. NLVN