PANAHON ngayon ng pagtitipon, pagsasama-sama ng magkakamag-anak. Minsan isang taon, maraming pamilyang Pinoy ang nagdaraos ng family reunions. Nakikita natin ang mga kapamilyang matagal nang hindi natin nakita, at yaong mga bihira lamang nating makatagpo. Panahon ito ng kumustahan, pagsasaya, at pagdiriwang ng Kapaskuhan kasama ang mga minamahal.
May mga pagkakataong umiiral sa mga pagtitipong ito ang hidwaan o alitan. Nagkakaroon ng samaan ng loob, may mga hinanakit na nauungkat. Ang iba naman ay may mga salitang nabibitiwan na hindi nagugustuhan ng nakakadinig. Maraming obserbasyon, pasaring, pagtatanong na wala sa lugar, at iba pang mga bagay na mas mainam na iwasan na lamang.
Kung tayo ay may ganitong karanasan sa mga family reunions na ating pinupuntahan, maging handa tayo at subukang pahabain ang pasensiya. Iwasan din natin ang labis na pag-inom upang hindi maging malabo ang ating pag-iisip at pagdedesisyon. Sa lahat ng pagkakataon, mabuting maging magalang sa kapamilya at panatilihin ang lamig ng ulo.
Iwasang pasukin ang maseselang usapan o tema, ang mga bagay na siguradong mauuwi lamang sa bangayan. Maging mapagmatyag din at mamagitan kung kinakailangan upang maiwasan ang paglaki ng gulo. Kung tayo naman ay apektado nang husto sa anumang ‘di magandang pangyayari, maaaring umiwas na lamang.
May responsibilidad tayo sa ating sarili upang protektahan ang katahimikan ng loob at pansariling kapayapaan. Karapat-dapat lamang na ibigay natin sa ating sarili ang kaligayahan at katahimikan ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Kung ang isang sitwasyon ay hindi rin naman nakabubuti para sa ating sarili, tayo ay hindi obligadong manatili rito o tiisin ito.
Maging tunay na maligaya nawa ang pagdiriwang ninyo ng Pasko!
66648 933205I feel you did an awesome job explaining it. Positive beats having to research it on my own. Thanks 515715
200019 339061As I web-site possessor I believe the content matter here is rattling magnificent , appreciate it for your hard work. You should keep it up forever! Good Luck. 659955
880729 636353a whole lot lately with my father so hopefully this will get him to see my point of view. Fingers crossed! mortgage banker new york 292761