Handa na ang lahat sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno ngayong 2025 — hindi lamang ang mga Katolikong mananampalataya, kundi ang buong Metro Manila, dahil taon-taong dinaragsa ng tao ang nasabing prusisyon, kaya naman apektado ang lahat, sa ayaw man nila o gusto.
Nakapwesto na ang security measures upang masiguro ang payapa, ligtas at maayos na pagsasagawa ng taunang Feast of Jesus Nazareno, kabilang na ang pinakahihintay na “Traslacion” o prusisyon ng imahe ng Jesus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Simbahan ng Quiapo sa Maynila tuwing January 9, umulan man o umaraw.
Inaasahan ng Office of Civil Defense (OCD) na hindi bababa sa anim na milyong mananampalataya ang sasama sa prusisyon, kaya ibayong ingat ang kailangan. Handa rin ang mga ambulansya sakaling magkasakitan, at mga first aid centers sa mga mahihilo at hihimatayin.
Bahagi rin ng pag-iingat ang cell signal interruption mula 4 a.m. hanggang makapasok ang “andas” (carriage) sa Quiapo Church sa January 9. No-sail zone din sa Pasig River hanggang January 10 ay banned din ang mga private drone flights.
Kahit ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nag-deploy ng 1,128 frontline personnel para tumulong sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies upang mapanatili ang kapayapaan at kabanalan ng Traslacion.
Kasama sa mga naka-deploy sa Traslacion ay mga highly specialized team ng search and rescue operators, divers, K-9 handlers na may working dogs, Explosive Ordinance Disposal (EOD) teams, law enforcement officers, at medical teams.
Idineklara ni President Ferdinand Marcos Jr., na special nonworking day ang January 9, 2025, Thursday, sa buong Maynila bilang pagdiriwang ng Feast of the Black Nazarene.
Gayunman, sakaling hindi idineklara, at kung walang national liturgical directive ngayong 2025, ipinababahala ang pagdiriwang sa kapasyahan ng Parokya at komunidad.
Noong 2024, nagpanukala ang Archdiocese of Manila sa Holy See na ideklarang “national feast of the Black Nazarene” ang January 9. Wala pa po itong kasagutan, ngunit sa maraming Parokya sa Pilipinas ay nagsasagawa na ng kanya-kanyang pagdiriwang kung January 9.
Ang Black Nazarene ay ang life-sized, dark-colored statue ni Jesus Christ na dinala sa Manila, Philippines mula sa Mexico noong May 31, 1606, ng unang grupo ng mga Augustinian Recollect friars na ipinadala ng España. Nangitim ito dahil nasunog ang barkong kanilang sinasakyan bago sila nakarating sa destinasyon.
Noong 1608, inilagay ang imahe sa The Recollect church of San Nicolás de Tolentino in Intramuros. Ngayon po ay nasa Quezon City na ang nasabing Simbahan, at doon ako kasalukuyang naglilingkod.
Mula San Nicolas Tolentino, inilipat ito sa Saint John the Baptist Church — na ngayon nga ay tinatawag nating Quiapo Church — noong January 9, 1787. Ito Ang dahilan kung bakit isinasagawa tuwing January 9 ang Traslacion. Ang banal na paglilipat o “solemn transfer” ay siyang naging Araw ng Kapistahan Jesus Nazareno.
JAYZL NEBRE
Nuestro Padre Nazareno Jesus Hymn
(Verse 1]
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Sinasamba Ka namin, pinipintuho Ka namin
Aral Mo ang aming buhay at kaligtasan
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Iligtas Mo kami sa kasalanan
Ang Krus Mong kinamatayan
Ay sagisag ng aming kaligtasan
[Chorus]
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Dinarangal Ka namin
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Nilul’walhati Ka namin
Verse 2]
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Sinasamba Ka namin, pinipintuho Ka namin
Aral Mo ang aming buhay at kaligtasan
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Iligtas Mo kami sa kasalanan
Ang Krus Mong kinamatayan
Ay sagisag ng aming kaligtasan
[Chorus]
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Dinarangal Ka namin
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Nilul’walhati Ka namin
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Dinarangal Ka namin
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Nilul’walhati ka namin.