(Handa na sa Asian Games) OBIENA SILVER SA DIAMOND LEAGUE

NAKOPO ni Filipino Olympian pole vaulter EJ Obiena ang silver medal sa Wanda Diamond League nitong Lunes ng umaga sa Hayward Field sa Eugene, Oregon.

Na-clear ni Obiena ang 5.82 meters sa kanyang ikalawang pagtatangka bago nabigo sa tatlong attempts sa 6.02m height.

Pumangalawa si Obiena kay longtime rival Armand Duplantis ng Sweden, na binura ang kanyang dating marka upang magtala ng bagong world record.

Na-clear ni Duplantis ang 6.23 meters upang wasakin ang kanyang dating personal at world record na 6.22 meters na kanyang naitala sa France noong nakaraang Pebrero.

Nagkasya si Sam Kendricks ng USA sa bronze makaraang ma-clearing ang 5.72m.

Ang silver medal finish ni Obiena ay dumating bago ang kanyang pagsabak sa Hangzhou Asian Games kung saan paborito siyang magwagi ng gold medal.