(Handang alisin muli ang boya ng CCG) BDM BANTAY-SARADO SA PCG

NAKAHANDA ang Philippine Coast Guard (PCG) na alisin ang boya o floating barrier sakaling maglagay muli nito ang China Coast Guard sa Bajo De Masinloc.

Sinabi Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG nitong Huwebes na hindi na kailangan na maghintay pa sila ng kautusan mula kay Pangulong Bongbong Marcos na alisin ang mga nakakaabala o nakaharang sa malayang pangingisda ng mga Pilipino sa mga lugar na sakop ng Exclusive Economic Zone ng bansa at sa mga traditional fishing grounds.

Ayon kay Tarriela, na hanggang sa ngayon ay umiiral ang kautusang ito mula sa Pangulong Marcos, gagamitin din umano nila ang nakuhang angkla na nakakabit sa floating barriers makaraan sa Bajo De Masinloc bilang ebidensya sa paglabag ng China sa desisyon ng arbitral tribunal .

Nakahanda ang PCG na magbigay ng mga ebidensya sa mga National Task Force on West Philippine Sea kaugnay ng mga paglabag na ginagawa ng China sa WPS.
PAULA ANTOLIN